CHAPTER 32

29.2K 1K 490
                                    

Chapter 32





Ady Pov

I knew it would be hard. I knew it even before I land here. Hinanda ko na ang sarili ko sa mga mangyayari. Hinanda ko na ang puso ko sa sakit at sa maaaring galit niya pero ang di ko inaasahan ang pag-iyak niya. Gusto kong punasan iyon. Gusto kong tuyuin ang pisngi niya gamit ang kamay ko. Gusto kong palisin ang luha na dumaloy sa pisngi ngunit pinigilan ko ang sarili ko.

From this day onwards hindi ko siya makikita. Hindi ko na makikita ang mga ngiti niya. Iyong pagpapa-cute niya kahit na di bagay sa kanya. Iyong mga pagkakataon na nagpapalambing siya. Iyong tawa niya nakakahawa at minsan nakakainis. Hindi ko na lahat ng iyon makikita at di ko na maririnig.

I can't wipe his tears cause I'm also crying. I also need a hand. My heart and mind is not ready for this no matter how much I convinced myself na hinanda ko ang sarili ko.

Once na makarating siya doon. Siguro naman makakalimutan niya ako. Siguro naman kapag nandun na siya... makakahanap naman siguro siya ng iba diba? Nakakabaliw. Nakakabaliw isipin na may iba siya. Hindi ito ang gusto ko. Hindi ito ang gusto ko na pagtatapos namin ni Laszlo.

"Iyan," inabot ko sa kanya ang isang plane ticket.

"Wow." aniya ng makita ang plane ticket. Kinuha niya iyon sa kamay ko at pinakatitigan iyon. Suminghot siya.

"You even bought me a plane ticket? You're really planned this all, huh."

'Hindi ako ang gumawa n'yan.' Gusto kong isumbat iyan sa kanya.

Nilagay niya sa tabi ang plane ticket at nginitian ako ng mapait.

"Ady, you really can't wait for me? Kaya mo ba talaga akong malayo sayo? Bakit kailangang umabot tayo sa ganito darling? I can fight for us if you can't. If you don't have any strength, I can be your strength."

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at pinalis ko na naman ang bagong luha na lumabas sa mata ko. Tumingin ako doon sa bintana at nakikita ko na malapit ng magbukang liwayway.

"Remember when I said that I can be your shoulder. That I want to be with you when you successs and accomplished something. Remember when I promised you that I want to hug and kiss you and say congratulations when you accomolished something in your life?... how can I fullfil my promised if we're going to break-"



I pressed my lips. "Kalimutan mo na iyon. Kalimutan mo na ang mga pangako mo. Kalimutan mo na ang mga pangako natin." Naidugtong ko.

"You're really this heartless, huh. Okay, I'm done with this..." napatingin ako sa kanya. Tinatagan ko ang loob ko na sulubungin ang mga titig niya. "Aalis na ako dito. Babalik na ako. Uuwi na ako ng Greece but I have a one last favor."

Lumunok ako. "Ano iyon?"

"Promise me that you'll finish your study and be successful."

"Okay." Sabi ko kahit walang kasiguraduhan.

"And lastly-"

"Akala ko one last na iyon."

"Para iyon sayo ngayon para naman ito sa akin."

Hindi ko siya inimik.

"For the last time Ady... can... we make love for the last time?"

I agreed. We make love for the last time. Noong sinagot ko siya tingin ko best decision ko na iyon. At ngayong pinakawalan ko na siya... best decision ko pa rin ito pero ngayon di na sa sarili ko kung hindi para sa kanya na ito ngayon.

[MUS1] Your Royal Highness Devotion |✔Where stories live. Discover now