CHAPTER 17

33.7K 1.3K 261
                                    

Dedicated to: dardarryy Happy Birthday😘🎉🎈❤
_______________


Chapter 17



Ady Pov

"And... I don't do relationship, Ady. I don't do girlfriend nor... boyfriend, Ady. It's not my thing."



Matapos 'yan sabihin ni sir Laszlo ay tumayo ako. Umalis ako doon sa kubo. Iniwan ko siya doon nang walang imik. Dahil alam ko na kung magsasalita ako bubuhos ang luha ko.



Ang sakit pala nang hindi ka gusto nang taong gusto mo. Ang sakit pala nito. Pisting damdamin ito bakit pa ito tumibok sa taong malabong suklian ang nararamdaman niya. Iyan tuloy durog na durog. Ngayon ko na napagtanto ang naramdaman ni Rose. Pero kung tutuusin nga ay mas masakit iyong kay Rose kasi harap-harapang ni-reject ni sir Laszlo si Rose pero ano naman ang pinagkaiba n'on sa akin. Parang pinaganda lang naman ni sir Laszlo iyong sinabi niya kay Rose, e. Magpinsan nga kami ni Rose. Pisti, nahulog pa kami sa iisang tao.



Gabing-gabi na pero nilalakbay ko ang daan patungo sa bahay ni Cane. Hindi ko alam basta na lang ako umalis doon nang wala sa sarili. Gusto ko lang lumayo doon. At natagpuan ko nalang ang sarili kong naglalakad dito sa tabi ng daan kahit na madilim. Ngayon ko lang napagtanto na sa bahay ni Cane ang tungo ko nang makita ko ang liwanag sa balcony ni Cane.





Nang makarating ako sa bakuran ay tinawag ko si Cane. "Cane!"



Pero walang sumasagot kung hindi siguro siya natutulog ngayon siguro ay may duty pa iyon sa ospital.



"Cane." muling tawag ko pero wala talaga ko.



Laylay ang balikat kong tumalikod at umupo sa tabi ng daan. Niyakap ko ang tuhod ko at inunan ko doon ang ulo ko. Kahit na anong pigil ko ay tumutulo talaga ang luha ko. Ganito ba talaga ito kasakit? Pisti naman 'to, oh.







Cane Pov

"Cane, aalis ka na?" tanong kasamahan at kaibigan ko rin habang sinasara ko ang bag ko.



"Hmm, tapos na ang duty ko. Ikaw ba?" tanong ko naman pabalik sa kanya.





"Oo, teka gusto mo bang sumama kakain kami dyan sa bagong open na resto dyan sa kanto." sagot at isinukbit ang bag sa balikat niya.



Ngumiti ako saka umiling sa kanya. "Hindi, uuwi ako."





"Sus! Para namang may naghihintay sayo sa bahay ninyo. Hoy! Binata ka at single." aniya.



Tumawa ako at iniling ulit ang ulo ko sa kanya. Sinuot ko ang leather jacket ko saka kinuha ang bag ko. Kinapa ko ang susi ng motor ko.



"Pagod ako. Magpapahinga ako nang maaga." saad ko habang naglalakad kami patungong parking lot.



"Hay! Kaya ka walang girlfriend, eh. Gusto mo bang ireto kita sa mga kaibigan ng girlfriend ko?"



Napataas ang kilay ko nang marinig ko ang sinabi niya. Kapag napag-uusapan ang mga relationship especially iyang girlfriend-girlfriend na 'yan ang pumapasok sa isip ko ay si Ady. Yeah, I like him. I like Ady pero ako lang ang nakakaalam n'on.



Hindi ako nakakapag-share sa mga kaibigan ko sa mga ganito kasi sila mga straight sila may kanya-kanya silang girlfriend at sa katunayan nga mukhang ako lang ang walang gf. At kapag nagtatanong sila kung wala ba akong balak na mag-gf dinadahilan ko na aalis din ako nang bansa at ayaw kong maiwan ang puso ko dito.



[MUS1] Your Royal Highness Devotion |✔Where stories live. Discover now