CHAPTER 37

31.6K 1.1K 186
                                    

Chapter 37




Ady Pov

Kanina na ako nakaupo dito Vegan Beat na restaurant pero ang tahip nang puso ko ay di pa rin kumakalma. Tumataas-baba pa rin ang dibdib ko. Sanhi nang pagtakbo ko. Lumayo ako doon sa royal house at kung saan na lang ako dinala nang paa ko dito sa Athens. Ang paligid kahit na saan man ako nakatingin ay nandun ang mukha ni Laszlo. Mapa-banner man 'yan o flyers, newspaper at TV balitang-balita ang paparating niyang kasal bukas. Umaalingasaw ang balita na ikakasal na sa wakas ang prinsipe.

Napatingin ako sa labas kung saan nakita ko ang mukha ni Laszlo sa isang banner na wala akong makuhang emosyon. Ang katabi niyang babae naman ay nakangiti pero iyong ngiti na... hindi rin masaya? Nagmistulang napipilitan silang dalawa o baka ako lang din ang iba ang paningin doon sa larawan.

Binalik ko ang mata ko sa mesa at sa baso na wala nang laman na inumin dahil naubos ko na kanina. Pinikit ko ang mata ko. Hinayaan ko ulit siya sa gusto niya. Hinayaan ko ulit siya na halikan ako. Nagpahalik naman ako at... gumanti pa ako. Ginusto ko rin naman. Gusto ko.

Binuka ko ang mata ko.

Kanina iniwan ko siya doon na hindi makagalaw sa kinatatayuan niya matapos ang halikan namin doon sa likod ng kurtina. Kahit na sina Clayton ay iniwan ko doon na walang paalam.

"Earth to our baby." A flicked of Cane's fingers in the air snapped me back to reality.

"Are you okay, Ady?" tanong ni Khian. Khian is Cane's partner and they are married for almost 2 years. Yeah, married. They got married in Norway at sa facebook-live lang ako nakadalo sa kasal nila dahil may klase ako sa araw nang kasal nila at saka wala rin akong pera.

Ngumiti ako sa kanilang dalawa. Kanina habang lumalayo ako doon sa palasyo at di ko alam kung saan ako pupunta ay nabundol ko sila dito. Nagbabakasyon pala silang dalawa dito sa Athens. Galing daw silang Fira at huling araw na nila ito sa Athens. Dinala ako nila dito sa Vegan Beat upang kumain. Nag-aayaw sana ako kaso pinilit nila akong dalawa.

Tumayo si Khian upang pumunta sa powder room at nakita ko na sumunod ang mata ni Cane kay Khian. Watching them so in love while I'm hurting from my own love story. Napapangiti ako ng mapait. Naluluha ako. Sana ganito... kami. Sana simpleng tao na lang si Laszlo siguro hindi kami ganito ngayon. Sana...

Tumulo ang luha sa mata ko at mabilis ko iyong sinunod at pinalis bago makita ni Cane na umiiyak na naman ako. Cane is really a very good friend of mine. Noon nagpaalam siya sa akin na aalis na siya nang bansa thru phone call. Nagpaalam siya sa akin noon at sinabi rin niya sa akin na may gusto daw siya sa akin at mahal niya rin ako. At sa panahon na iyon ay iniinda ko pa ang sakit nang pagkawala sa akin ni Laszlo. Sinabi ko sa kanya na mahal ko rin naman siya pero hanggang kaibigan lang iyon. Sabi niya sa akin masaya na siya sa sinabi kong iyon at makaka-move on din siya at nangyari iyon. Naka move-on siya at nagmahal ulit at iyon ay si Khian tapos kasal pa sila.

How I envy him... them. Noon man hindi ko talaga naisip na may gusto pala sa akin si Cane. Pero kung sinabi niya rin ba sa akin iyon may magbabago ba? Wala rin. Wala rin kasi di ko rin siya magawang mahalin gaya ng pagmamahal niya sa akin noon. At ngayon masaya na ako sa kanya. Sa kanila ni Khian na sobrang bait din sa akin. Silang dalawa tawag nila sa akin baby. They treated me like their younger brother.

"Baby, I got you some water." Nakabalik si Khian at may dala siyang malamig na tubig.

"Thank you Khi." Khi is Khian's nickname.

"Your eyes is swollen, Ady." puna naman ni Cane na parang ama ang dating. "Before you are crying because of him at hanggang ngayon pala umiiyak ka pa rin sa kanya?"

[MUS1] Your Royal Highness Devotion |✔Where stories live. Discover now