CHAPTER 33

28.3K 1K 136
                                    

Chapter 33


Ady Pov

"I'm Antoitte Van Tyndall, I'm Vasilios mother.. ahm  no. I'm Laszlo's birth mother." wika niya at ngumiti pero ako ang kinabahan sa ngiti niya.

Di ko naintindihan ang una niyang sinabi dahil Vasilios at wala naman akong kilala na ganoong pangalan. Akala ko nagkamali lang siya pero di pala. Si sir Laszlo pala ang tinutukoy niya noon.

Sa relasyon namin ni sir Laszlo noon nabanggit ko sa kanya ang tungkol sa pamilya ko at kung ano ang nangyari kung bakit nasa puder na ako ni Lola Flor. Pero siya di niya makwento-kwento sa akin ang buhay niya. Tanging alam ko lang ay naglayas siya sa kanila. Alam ko ang trabaho niya at kung ano ang ginagawa niya pero tanging pamilya niya di ko kilala. Kaya sa unang pagkakataon na nakilala ko ang magulang niya, ang ina niya. Gulat ako. Di ako makapagsalita at hindi ko alam ang gagawin ko. Sa mga oras na iyon tanging nakatulala lang ako habang nakatingin sa babaeng ina pala ng taong mahal ko.

Iniisip ko na kung sinabi ba ni sir Laszlo ang buhay niya at ang pamilya na iniwan niya noon. May magbabago? May magbabago ba sa desisyon ko? Maipaglalaban ko ba siya? Kaya ko ba?

"I am Queen Antionette Van Tyndall and I am Prince Vasilios mother."

Nang sinabi niya iyon sa akin. Parang namutla ako at di ko alam kung ano ang gagawin ko sa harapan niya. Yuyuko ba ako sa harap niya? Luluhod o ano? Noon pa man alam ko na ang agwat ng buhay namin ni sir Laszlo kaya nagsusumikap ako. Nagsusumikap ako na umahon din sa buhay hindi para pantayan ang buhay na mayroon si sir Laszlo kung hindi para naging karapat-dapat ako sa pagmamahal niya sa akin at para na rin sa sarili ko. Pero naging mababa ang tingin ko sa sarili ko nang malaman ko ang totoo.

"Q-queen," yumuko ng bahagya ang ulo ko. Pinaglalaruan ko ang kamay ko dahil kung hindi ko iyon gagawin siguro mawawalan na ako nang malay sa pamumutla ko. Maririin kong pinipisil ang kamay ko dahil parang nawawalan na ako nang pakiramdam sa paligid dahil sa kaba ko.

Sa mga oras na iyon parang sinisisi ko si sir Laszlo kung bakit di niya sinabi sa akin na isa pala siyang prinsipe. Hindi ko man lang alam kung ano ba talaga siya pero minahal ko na siya. Di ko siya lubusang kilala pero minahal ko na siya. At sa mga oras na iyon... awang-awa ako sa sarili ko sa harap ng ina niya dahil halata na walang-wala akong alam tungkol sa tao na sinasabi kong mahal ko.

"My time is limited and is precious. I'm not here to beat around the bush Mr. Vera Cruz. I'm here to tell you that you need to break up with my son. I don't know what you know and what you do not know about him but he has a responsibility. He has a nation that is waiting for him. The people in our country is waiting for him. His throne is waiting for him."

Napatingin ulit ako sa kanya. Ang mukha niyang sobrang seryoso kanina ay walang pinagbago. Diretso ang mata niya sa akin at parang nananantya sa akin.

"Not so long ago. He tells us that he is going home but unexpected thing happened. His friend accidentally died due to an airplane crashed. We gave him time because we knew that he is precious to him and we thought that after they settled with it. He can finally go home but no... No one appeared on the palace. No Vasilios appeared."

Ang tinutukoy niya ang iyong pagkamatay ni sir Lorcan at kung tama ako. Pagkatapos nang pangyayaring iyon sumunod si sir Laszlo sa akin sa Cebu. So kung hindi pala siya sumunod sa akin n'on at hindi siya nanligaw sa akin posibleng nakauwi na siya? At hindi magiging kami at mas lalong di ko makikilala itong ina niya.

"And I got to know that he admired someone here. He admired someone who is out of our league. He admired someone whom is a boy. And that is taboo. That isn't right in any other way. It is very wrong."

[MUS1] Your Royal Highness Devotion |✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon