CHAPTER 2

54.5K 1.9K 538
                                    

Chapter 2

Ady Pov

Sa isang linggong pagtira dito ni Sir Laszlo ay nagmistulang kalbaryo iyon sa akin. Para na kasi akong nababaliw dito. Gabi-gabi na ako na nanaginip na inano ako ni Sir Laszlo. Hindi ko na halos makilala ang sarili ko. Bakit ba ako na nanaginip ng gan'on? Ni minsan ay hindi pa ako nagnasa sa ka-uri ko. Pero ano itong nangyayari sa akin?

"Ady, tumigil ka muna raw d'yan! Kakain na!" Rinig kong sigaw ni Rose sa akin. Sana talaga hindi magka-goiter itong pinsan ko kakasigaw niya. Kung magkataon man baka kargo ko pa. Ako lang naman kasi ang sinisigawan nito araw-araw kahit na pwede niya naman akong lapitan at sabihan na kakain o ano pa d'yan. Hay! Mabu-ang man pud ko ani akong ig-agaw oi!

"Oo and'yan na!"

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko. Nagbubungkal kasi ako ngayon sa lupa dito sa garden. Malanta kasi iyong ibang mga bulaklak kaya inutos ni Auntie na bunutin ko na lang daw lahat saka palitan ng bagong pananim.

Naghugas ako ng kamay ko at kumuha ng tuwalyang pamunas sa basa kong braso at kamay. Nagpupunas ako habang papasok ako ng dirty kitchen kung saan kami kakain.

Pagdating ko doon ay todo na ang kain nila ni Auntie at Rose. Tiningnan ko ang mesa na malapit ng maubos ang ulam na manok. Sana'y na naman ako sa ganito pero hanggang ngayon nasasaktan ako sa ganitong sitwasyon. Siguro n'ong tinawag ako ni Rose ako ay kumakain na talaga sila ni Auntie.

Huminga ako nang malalim upang maibsan ang paninikip sa dibdib ko. Hinala ko ang isang upuan at tahimik na umupo at kumuha ng pinggan at kutsara. Hindi nila ako pinansin at pukos lang sila sa pagkain nila. Nilagay ko sa likod ng silya ko ang tuwalya saka nagsimula nang kumuha ng kanin. Isa na lang ang ulam na nasa bowl kukunin ko na sana iyon nang naunahan ako ni Rose.

Ngumisi siya sa akin,"pwedeng akin na lang ito, Ady nagutom talaga kasi ako, e." Gusto ko siyang sabihin na kahit ako man ay gutom na gutom na rin dahil sa pagbubungkal ko ng lupa doon sa hardin.

"Pwedeng hati na lang-"

"Kunin mo na 'yan Rose anak, hindi na natin kasalanan kung hindi na siya natirhan ng ulam. Hindi naman kasi marunong tumingin sa oras. Nagpapatawag pa." Pagsingit sa akin ni Auntie.

"Yay! Salamat 'nay." si Rose naman na walang pakialam talaga sa akin.

Pwede naman siguro akong hindi na lang muna kumain ngayon. Pero naisip ko na marami pa pala akong kailangang gawin kaya kailangan ko ng lakas at dapat may laman ang tiyan ko kahit papaano.

"Yah!" Kaming tatlo nina Auntie at Rose ay sabay na napatingin sa bagong dating na si Sir Laszlo na nakasandal sa hamba ng pintuan nitong dirty kitchen. "Ady, can you join me for breakfast?" tanong ni sir Laszlo na nagpagulat sa akin.

"Naku Sir h'wag na po si Ady patapos na po iyang kumain. Si Rose na lang po. Anak samahan mo si-"

"I don't want her." Pagod na putol ni Sir Laszlo sa masigla kong Auntie. Si Rose naman ay akmang tatayo din pero nabitin dahil sa naging sagot ni Sir Laszlo. Ako naman ay nagulat dahil sa sinabi ni Auntie na patapos na akong kumain hindi pa nga ako nakakasubo ng isang kutsarang kanin.

Tinapunan ng pagod na tingin ni Sir sina Auntie at Rose na ngayon ay hilaw na ngumingiti. Tiningnan niya ako.

"Come on, pisting yawa. I'm famish."

Tumango ako, takot na baka masigaw ako ni Sir Laszlo na mukhang 'di maganda ang araw.

Tumayo ako at binitbit ko ang plato ko na may lamang kanin. Napatingin ako kina Auntie at Rose na ngayon ay 'di maipinta ang mukha na nakatingin sa akin.

[MUS1] Your Royal Highness Devotion |✔Where stories live. Discover now