Matapos magpaalam ni kuya, ay naiwan ako sa station na iyon kasama ang ilang mga bodyguards. Siyempre, mabilis ring nawala ang mga fans niya at nagkalat na sa buong plaza. Though may iilan pa ring pasulyap-sulyap sa akin, hindi na sila makalagpas sa mga guards.





Mayroon nang mga artista roon sa stage, at oras na yata para sa mga pa contest. May naririnig akong upbeat na tugtog kaya siguro ay may sumasayaw ng hiphop.




Ang station namin ay binubuo lang ng mahabang lamesa, parang mataas na tent ang sumasangga sa sinag ng araw, ngunit hindi niyon nababalutan ang paligid. Ang mga gamit ay nakalapag lamang sa lamesa, iyong mga malalaki, ay nasa loob naman ng isang malaking tent na nasa tabi nitong lamesa. May mga upoan din, pero ako lang ang nakaupo dahil mahigpit ang seguridad na ipinag-utos ni kuya Loren.




Nilingon ko ang isang guwardiya na mas matanda sa akin. Nakasuot silang lahat ng normal na mga damit. Hindi talaga sila magmu-mukhang bodyguards kung hindi sila nakapalibot sa akin at kung wala silang mga earpieces.




"Kuya.." I called.




Mabilis namang tumalima ang pinaka malapit sa akin at yumuko ng kaunti para marinig ang sasabihin ko.




"What's your name?"




Napalingon ito sa akin bago nag-aalangang sumagot. "Larry ho.."




Tumango ako. "Kumain na ba kayo?" Tanong ko.





Napatingin sa akin ang ibang guwardiya pero kaagad ding nag-iwas nang senyasan sila ni kuya Larry.




"Hindi pa ho oras ng tanghalian namin, ma'am." Pormal at magalang na sagot niya.




"I mean, breakfast?"




Tumango ito. "Opo."




Tumango rin ako pero hindi pa nakuntento. "Please let me know if you're hungry.." sabi ko ulit.




Natigilan man, ay tumango na lamang ang guard at bumalik na sa kaniyang posisyon kanina. Umayos ako ng upo at kinalikot ang tela ng lab coat. Mula nang mag graduate ako at maging doktor ay hindi pa ako naghanap ng trabaho. Balak kong ipagpatuloy ito sa pagre-residency ko rito.




I want to help people with scars like me.. I know that we are not all the same. Maaaring kinaya ko ang insecurity, pero may mga taong hindi. At gusto kong tumulong na maibsan, kahit sa pisikal na anyo lamang ang pasanin nila. Kagaya ni Moli.. I want to help her someday, maybe after 3-4 years from now, I'll offer to remove the scars on her wrists. Siya ang una kong gustong maging pasiyente.




Naudlot lamang ang pag-iisip ko nang maramdamang may nakatingin sa akin. Napako ang paningin ko sa tela habang pinakikiramdaman iyon. I know it's impossible, pero nakapagtataka ang pakiramdam. It's like that person is watching me.




Nang hindi matahimik ang pakiramdam ko ay inilibot ko ang aking paningin at nahagip ang isang lalaki naka itim sa malayong banda. Nakatayo ito sa may mga puno at natayakpan ang kalahati ng katawan. Nang pilit ko itong aninagin ah nagbaba siya ng sumbrero at mabilis na nawala sa paligid. Kumunot ang noo ko at sinuyod ang pinagmulan niya. Nang hindi ko na siya makita ay nagkibit na lamang ako ng balikat.




Nang lingunin ko ang mga bodyguards ay nakatalikod sila sa akin at nakakalat sa labas ng lamesa. Nabo-bother ako dahil nakabilad sila sa araw. Tanghali na at siguradong masakit sa balat ang sinag ng araw ngayon. Bumuntong hininga ako at muling kinulit si kuya Larry.




La Cuevas #3: Beautiful ScarsWhere stories live. Discover now