Chapter 21

27K 975 259
                                    

I missed u guys :>
———


Nakarating ako sa Lesyel's Ink at itinabi ang mercedes ko sa labas, wala naman kasi silang parking para sa mga customers dito.



I checked my phone and saw that it's almost 10:30  already. Muli ko iyong ibinalik sa bulsa ko at pumasok na sa loob.



Kumalansing ang mga pamilyar na wind chimes pagpasok ko, kaya naman napalingon sa akin iyong dalawang lalaki na narito rin noon. The familiar smell of class inks and expensive metals welcomed my nose as I scanned the aesthetically pleasing place.



Ang dalawang lalaki ay natulala sa akin, matagal na napakurap-kurap, at tila nabigla. Bumaba ang tingin nila sa dibdib ko pero kaagad ding nag-iwas ng tingin at nagkunwaring abala sa kung ano.



"Tol, magkano nga ulit sales natin ngayon?"



"A-ah! Che-chek ko!"



"Sige! cr lang ako!"



Ang isang walang buhok ay isinubsob ang sarili sa monitor habang ang may mahabang buhok naman ay kumaripas sa isang pintuan na sa tingin ko ay cr.



Nagkibit nalamang ako ng balikat at naglakad patungo sa mga tattoo designs. Ang gaganda ng mga nakapaskil. Mayroong mga tattoo lang, at mayroon din namang mga model.



Isa na roon sina Luke at Andrei. Pareho silang topless, pero si Andrei lang ang may tattoo sa bewang papuntang tiyan. I think they are Chinese symbols because I can't read them. In fairness with his abs, it looks well cared of too. Si Luke naman ay tribal, mula sa balikat hanggang sa kaniyang biceps. Natulala ako roon at kusang nag-play sa utak ko iyong umagang nag pu-push up siya sa amin.




Kaagad na nag-init ang mukha ko nang maalala kung gaano kaganda kung mag flex ang mga muscles niya. I can't believe that that man is in love with me. Oh my God, ito ba 'yung kilig? Bakit ako napapangiti? Shit.




Mabilis kong tinakpan ang mga pisngi ko para pigilan ako sa pag ngiti. Doon ko rin napagtanto na ang init na pala ng mga pisngi ko. Huminga ako ng malalim at pumikit. Ano ba 'tong ginagawa ko, nakakahiya. Buti nalang walang tao—



"Sadie?"



"Fuck tao!"



Nagulat kaming pareho ni Brent dahil sa pagsigaw ko. Mabilis akong umurong at napahawak sa aking dibdib. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, tila ba nahuli ako sa paggawa ng isang krimen.



Tipid siyang ngumisi at sinulyapan ang dibdib ko ng mabilis bago nagtaas ng kilay sa akin.



"You look different today. You're hot." Diretsong ani niya kaya napaawang ang labi ko at hindi alam kung saan babaling.



I honestly expected them to freak out. Pangalawang beses ko nang narinig iyan, pero 'yung 'hot'? Grabe naman yata? isn't he exaggerating it?



Sa huli ay pilit akong ngumiti at sinubukang pakalmahin ang sarili ko. Ang bilis pa rin. Ang bilis ng pagtibok, at ang ingay. Hindi ko alam kung naririnig niya iyon, pero umaalingawngaw sa tenga ko ang bawat pagtibok ng puso ko.



"T-thanks. You too." Sagot ko nalang.



"I look hot too?" Tanong niya nang nakataas ang kilay, tila nagbibiro.



Pero ang ipinagtataka ko ay hindi iyon nakuha ng aking pakiramdam. Alam kong nagbibiro lang siya pero bakit parang nahuli na naman ako?bakit pakiramdam ko ay nakikipagkarera ang puso ko?



La Cuevas #3: Beautiful ScarsWhere stories live. Discover now