Chapter 19

26.4K 890 181
                                    


Tinignan ko ang sariling repleksiyon sa full size mirror ng unit. Nakasuot pa rin ako ng sando at tuyo na ang jacket ko kaya puwede ko na ulit iyong gamitin, iyon nga lang ay ayoko nang isuot ulit ang turtle neck ko dahil marumi na iyon at hindi pa nalalabhan.





Nadako ang paningin ko sa bandang gilid ng leeg ko kung saan halata ang pamumula ng markang iniwan ni Luke. Napabuntong hininga nalang ako bago napangiti. I should he scared right now for my brothers would throw a fit if they see this, let alone it's from Luke. Bigla ko tuloy naalala iyong bilin ni Sage.





'Sinasabi ko sa'yo Sadie, lalo na iyang si Luke. Masasaktan ka lang.'





What does he meant by that? Masasaktan ako? Is Luke in a relationship right now? I bet he's not. I know and I believe he wouldn't come here with me if he has a girlfriend. Sino namang matinong lalake ang aamin na nahulog siya sa ibang babae kung may girlfriend na pala siya?





And I.. felt his sincerity while kissing me. I know he likes me too. If we'll continue to work on being a better person for each other then I think I won't get hurt. Or at least, the normal pain that everybody else who loves had felt.





Lahat naman ng nagmamahal ay nasasaktan 'diba? Malaki rin ang respeto at pagmamahal ko sa sarili ko, kaya hindi ko hahayaang umabot sa punto na sobra na 'yung sakit. Ano man ang mangyari ay hindi ko pagsisisihang pinili ko ang sarili ko ngayon. Tama, I trust Luke. Hindi niya ako sasaktan.





"Everything that's planted on your skin looks beautiful, huh?" Napakurap ako at lumingon kay Luke na kalalabas lang ng banyo, pero mabilis ko ring ibinalik ang paningin ko sa salamin nang makitang wala siyang suot na damit.





Napalunok ako at ipinirmi ang mga mata sa mukha ko sa salamin. "W-what?" Kandautal kong tanong. Stupid, Sadie!





Mula sa peripheral vision ko ay kita kong nagpapatuyo siya ng buhok gamit ang puting towel. Nakasuot siya ng khaki shorts hanggang sa kaniyang tuhod kaya naman lantad ang maputi niyang binti.





Nakita ko na noong isang araw iyong abs niya pero parang iba ang pakiramdam ngayon dahil mayroon nang namamagitan sa amin. Pakiramdam ko tuloy ay aasarin niya ulit ako.




Tumugil siya sa pagpupunas at ipinatong ang tuwalya sa kaniyang batok bago humalukipkip at tumingin sa akin.





God, even with my peripheral vision, I could see the hot movement of his flexes. It's just.. so.. good.





"The scar on your chest and my mark on your neck. They suit you perfectly like an art." He mentioned that made me gulp. Natutop ko ang aking bibig at hindi malaman kung saan titingin.





Ano ba, bakit ako tumitiklop dito? Di ba matapang ako? Asan na 'yung sungit ko? Nasaan na si Sadie?!





"T-thanks." Sagot ko at dumiretso sa coffee table upang ayusin ang ilang mga damit na iuuwi ko. "Can we.. buy a turtle neck before we go back to Makati?" I asked while folding the shirts. I even folded his shirts too.





"Of course. Dadaan tayo ng mall mamaya." Sabi niya kaya tipid akong tumango. Hindi naman na ako nakarinig ng salita mula sa kaniya kaya tinapos ko na ang mga tinutupi ko at itinabi ang gitara niya bago humarap sa kaniya.





"God!" Gulat kong anas nang makitang nasa harap ko na siya at may tipid na ngiti. Hayon na naman ang mga dimples niyang nakakakilig. Bago pa ako manghina sa mukha niya ay itinulak ko na siya at dumiretso ako ng tayo.





La Cuevas #3: Beautiful ScarsOnde histórias criam vida. Descubra agora