Chapter 31

28.3K 968 318
                                    

Beat.



Walang tigil sa pag kabog ang puso ko habang pinagmamasdan ang dibdib niya. Nanginginig ang mga mata ko habang  pilit na pinag-aaralan ang bawat sulok ng mala peklat niyang tattoo rito. I don't care if he would think I'm weird or what, but I am certain that he made this look like mine-- no, he copied my scar!



Why? why would a person with an already perfect skin want to ruin himself? ano bang epesyal sa peklat ko at ginaya niya?! is he mocking me? is this his way of reminding me about my past? para pag balik ko rito ay hindi ko makalimutan ang nangyari sa akin noon? Kung ganoon, ay napaka walang kuwenta niya naman pala!



Nang mapansin niya na tinititigan ko ang dibdib niya ng ilang segundo, ay natauhan siya at tinakpan ang kaniyang tattoo gamit ang isa niyang kamay. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at kunot noong sinalubong ang mga mata niyang tila nahuli.




Nakalahad pa rin sa akin ang isa niyang kamay para i-alok ang towel. Bumuga ako ng sarkastikong hangin bago walang tingin na hinila ang cardigan ko at doon ipinunas ang aking basang kamay.




"No, thanks. I got myself." I uttered.



Isang beses siyang napakurap at tahimik na pinanood ang mga kamay ko habang inilalahad ang towel sa aking harapan. Nang matuyo ang mga kamay ko ay ibinaba ko ang cardigan at pinagtaasan siya ng kilay.



"If you won't mind, please move out of the way." I said as I look straight into his eyes.



His face didn't actually changed. Maybe some of his features became more defined and sharper, just like his eyes who's now heavier than it was before. Her jaw that already seems so perfect before became exquisitely fine now. His smell.. well, it's still the same.



He blinked for another time before putting down his hand. He slowly stepped aside just enough for me to pass. I inhaled deeply before I started walking. When I reached his place, he spoke so I gently stopped midway.



"How have you been?" 



Nasa iisang linya lamang kami. Nasa kaliwa siya at nakatingin sa akin habang ako ay diretso na ang tingin sa pintuan. Sumilay ang sarkastikong ngisi sa labi ko bago sumagot.



"Very well. I enjoyed being apart from here.. from the people here. Thanks for asking." I said and slowly redeemed my blank expression. "And oh," marahan ko siyang nilingon nang hindi umaalis sa aking puwesto. Ipinukol ko siya ng klase ng tingin na tiyak akong iisipin niya buong magdamag. "Just a bit of advice. Someone's misery.. is not your aesthetic." I smiled at him mockingly before I snubbed him and walked out of the bathroom.



Nang sandaling bumukas ang pintuan at salubungin ako ng ingay sa dressing room, ay roon pa lamang ako nakahinga ng maluwag. Humigpit ang pagkaka sakmal ko sa cardigan nang mapagtantong nanginginig ang mga kamay ko.



Huminga ako ng malalim at mabilis na naglakad patungo kina Lea. I can't believe I said what I've just said to him. My nerves are killing me.



"Hm! Sadie, try this cake!" Salubong ni Lea nang mamataan ako. Pilit naman akong ngumiti at lumapit sa kanila. "By the way, I haven't seen you eat strawberry cake ever--"



"Hey, water." Mabilis na nag-abot ng tubig si Gavin nang tila biglang nabulunan si Lea. Nagkandaubo siya habang nakatingin sa direksiyon ko, or more like, sa likod ko.



Lihim akong bumuntong hininga at inagaw ang maliit na platong may slice ng strawberry cake kay Lea. Hindi ko na chineck kung maliit lang na parte ang nakuha ko, basta nalang ako sumubo at walang lingon na nilunok iyon. Ni hindi ko na nga yata nginuya.



La Cuevas #3: Beautiful ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon