Chapter 8

26.2K 1K 531
                                    

Blangko ang isip ko nang inihnto ko ang mercedes sa Lesyel's Ink. Padabog kong isinara ang pintuan at pumasok sa loob.


Kumalansing ang wind chime dahil sa pag galaw ng pintuan kaya napalingon sa akin ang dalawang lalaki na siya ring narito noong nakaraang lingo.


Nagkatinginan sila at mabilis na tumalima ang isang may mas maiksing buhok nang lumapit ako.


"A-ano po iyon? Wala po si Luke dito—"


"Hindi ko siya kailangan. Magpapa piercing ako."


Nagkatinginan ang dalawa at tila nag-uusap sa kanilang mga mata, sakto namang bumukas ang isa sa dalawang pintuan at lumabas mula roon ang isang lalaking may kaparehong katawan ni Luke.


Maputi, kahit sa malayo ay halata ang pagiging matangkad. Malinis tignan ang kaniyang kutis dahil maputi siya at walang tattoo, walang piercings at hindi ko maikakaila ang kapansin-pansin niyang kaguwapuhan.


Naglakad siya patungo sa counter bitbit anc ilang mga papel at nang magtama ang paningin namin ay doon ko napagtantong may hawig sila ni Luke sa mga mata.


"Yes?" Even his voice is as baritone as Luke. Magkapatid ba sila?


"Boss, piercing daw." Sabi ng malapit sa akin at naglakad patungo sa lalaki.


Tumango naman ito at bahagyang ngumiti sa akin. Ipinatong niya ang papel sa glass counter. Lumapit siya at naglahad ng kamay.


"Hi I'm Lesyel, but you can call me Brent."


Hindi ko tinanggap ang kamay niya. Tinitigan ko lang siya dahil hindi ko naman tinatanong ang pangalan niya. Nandito ako para magpabutas ng tenga at dila, hindi para makipagkilala sa kaniya.


Nang mapagtanto niyang wala akong balak tumugon ay lumawak ang kaniyang ngiti at marahang tumango.


"Anyway, I'll be your piercer today. This way."


So siya nga ang may ari nito? At siya rin ang mag pipierce sa akin? Nagkibit nalang ako ng balikat at sumunod sa isang kuwarto. Nakasunod rin ang mga mata noong dalawang lalaki sa amin hanggang sa makapasok kami.


Isinara niya ang pinto habang inililibot ko ang paningin sa loob. Mabango at medyo madilim dahil gold and black ang tema ng kuwarto, pero mayroon namang mga ilaw na nakalaan para sa bubutasan.


"I can see holes in your ears already, is it your first time here or you've been here when I wasn't around?" He asked while preparing the equipments.


"Bumili ako last week dito,"


Tumango siya, "Uh-hmm? How did you know about this shop?"


Umupo ako sa upoan at sumandal. "Luke took me here,"


Narinig ko ang pag kalansing ng mga equipment sa stainless na tray kaya nilingon ko siya at nakitang mabilis niyang sinikop ang mga iyon at muling ibinabad sa isang container.


"Are you perhaps.. Ray?" He asked.


Kumunot ang noo ko. Ray? Who's Ray? Ngayon ko lang iyon narinig.


"No."


Napakurap-kurap siya at nagbuga ng hangin na tila nakahinga ng maluwag. Ngumiti siya sa akin at lumapit dala ang isang tray na may matulis na bagay pang butas.


"Luke is my brother." He said while placing the tray beside me.


"I didn't ask."


La Cuevas #3: Beautiful ScarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon