Chapter 5

29.5K 1K 151
                                    

Bumalik si Luke nang nakasuot na ng PPE. Alisto namang lumingon si sir Bartolome nang magtilian muli ang mga estudyante sa labas.



"Hi Luke!"



"Omg, pasyente siya ni Sadie?"



"Hala ang swerte!"



Nang maisara ni Luke ang pinto ay naibsan naman ng kaunti ang ingay. Nahihiyang ngumiti si Luke sa binabaeng propesor at mabilis siya nitong tinanguan.



"Come in, come in," iminuwestra niya kay Luke ang upoan sa tabi ko nang naka ngiti at napangiwi ako dahil doon.



Umupo si Luke sa upoan at ipinatong ang kaliwang kamay sa arm rest dahil may tattoo ang kanan niyang kamay. Nakikita pa rin naman ang ugat doon, pero dahil isang beses lang kailangang i-demonstrate sa harap ni sir ang venipuncture ay doon na ako sa walang tattoo at di hamak na mas madali.



"Okay, okay, start!"



Tumingin sa akin si Luke habang hinihintay ako na magsimula. Nag-iwas ako ng tingin at hinagilap ang puting towel na ilalagay sa ilalim ng kamay niya. Hinawakan ko ang kaniyang kamay para ilatag ang towel sa armrest at ibalik ang kamay niya doon.



"Good morning, I'm Sadie from 4-A. Today I'll be drawing blood from you, what's your name?" walang gana kong tanong nang hindi siya tinitignan. Hindi ko pa rin kasi mahitsura ang kabog ng dibdib ko.



"Luke Alejo." Sagot niya at kunwari ay binasa ko ang lab form.



"Please double check," inilahad ko sa kaniya ang form at mabilis niya iyong sinulyapan bago tumango. Siguradong hindi niya iyon binasa. Napaikot ako ng mata at ibinalik ang form sa kabilang lamesa para maiwasan ang pagkabasa nito.



Hinawakan ko ang kamay niya at pinagmasdan ang median cubital vein na siyang napili ko habang tinatanong siya. Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na siya at nakarating sa practical ko.



This is the first time that I'll be drawing blood from him. Hindi ako dapat kabahan dahil nakalitaw na ang ugat niya at malinaw iyon sa aking paningin kaya siguradong  madali nalang ito, pero bakit naririnig ko sa aking tenga ang marahas na pag tibok ng puso ko?



"Do you have any allergies or has had any complications or issues during your previous blood draws?" I asked the necessary questions while prepping him.



Maybe I'm just excited because I really like his arms. Noong mga nakaraang araw kasi ay si Vincent ang pinag-practisan ko dahil siya lang naman ang palaging willing, kaya siguro ay natutuwa lang ako na ngayon ay siya na ang kukuhanan ko ng dugo.



"None." Sagot niya sa mababang tono.



Tumango ako at sinulyapan si sir na kaunti nalang ay maglalaway na sa pasyente ko. Napailing ako habang kinukuha ang tourniquet sa lamesa.



"Extend your arm." I said before holding his arm again. When he did, I tied the tourniquet around his arm about 3-4 inches above the venipuncture site.



"Are you nervous?"



Nagulat ako nang sumingit si sir at tanungin si Luke habang kumukuha ako ng hand sanitizer at nagpapahid sa kamay ko.



Luke let out a low chuckle before shooking his head slowly and my professor giggled with that. I rolled my eyes and when my hands are finally cleansed, I put on my gloves and reached for the 70% alcohol swab to disinfect the cubital area.



La Cuevas #3: Beautiful ScarsWhere stories live. Discover now