Chapter 22

28.6K 971 209
                                    

Hindi ko na inedit, siningit ko lang talaga 'to today. Enjoy reading!
———

Kagaya nang sinabi ni Luke, wala ngang tao sa studio ni Brent nang makabalik kami. Hindi tuloy ako mapakali dahil kami lang dalawa rito. Nandito kami ngayon sa loob ng kabilang kuwarto na katapat noong kuwartong pinasukan ko noong nagpa-piercing ako kay Brent.


"There's a bathroom there, wash your arms and shoulders first." Luke commanded before walking towards the long table of their tattoo equipments.


Marahan akong tumango at naglakad patungo sa banyo. May mahabang sink doon at isang cubicle. Dumiretso ako sa lababo na may malaking salamin. Doon ko muling napagmasdan ang aking sarili.


The scar on my chest is fully exposed. Parang kailan lang ay ako lamang ang nakakita nito sa aking banyo, ngayon ay nakakalabas na ako nang naka lantad ito. And that's all thanks to Luke. For making me realize that there's no shame in flaunting your flaws. Because they're a part of you and has made you who you are today.


I smiled thinking about how a mere stranger had a great impact into my life. Well, he's not a stranger now.


I opened the sink and leaned forward to wash my arms and shoulders. Dahil naka tank top ako, ay nabasa ang strap ng damit ko. Napakunot ang noo ko nang mapagtantong matatamaan ng strap nito at ng aking bra ang balat na lalagyan ng ink.


Umiling na lang ako at nagsabon na gamit ang anti bacterial soap. Siguro ay ililihis ko na lang mamaya iyong parte na ang tatattooan.


Paglabas ko ng banyo dala ang steriled paper towel ay natagpuan ko si Luke na naka itim na mask at nagsusuot ng puting gloves.


Nang lumingon siya sa akin ay inilahad niya ang itim na hydraulic tattoo bed. Sumunod ako at naglakad patungo roon. Umupo ako at hindi munsa sumandal. Pinanood ko ang pag aayos niya ng mga gamit at paglalagay ng mga iyon sa autoclave.


"I'll draw the design on your skin first while waiting for this to be sterilized." Sabi niya at kumuha ng malinis na papel at dumiretso sa printer.


"You won't use stencil?" I asked. Bulaklak lang naman ang gusto ko, marami noon sa internet at mas madali at mas maganda kung ipiprint nalang.


"Do you prefer that?" He asked.


"Huh? I-I mean.. mas madali iyon diba? Hindi ka na mapapagod--"


"I'm fine. Do you want it printed or I'll draw it?" He asked again.


Napaisip ako. Actually mas okay pala kung siya mismo ang guguhit, dahil siyempre.. special.


"I-ikaw nalang?" Hindi ko alam kung sagot ba 'yon o tanong.


Ngumisi lamang siya at dumiretso na sa monitor. "What design do you want?"


Napag-isipan ko na ito, at nakapag desisyon akong Gladiolus flower ang ita-tattoo sa akin since it typically symbolizes honor and remembrance. But it has many other meanings  too such as: Strength of character. Faithfulness, sincerity, and integrity. It's just so perfect for me.


"Gladiolus. You know that?" Sagot ko.


Huminto siya at bumaling sa akin. "Of course." Sabi niya at naghanap ng magandang larawan noon sa internet. Marami siyang ipinakitang mga pictures sa akin, pare-parehong Gladiolus iyon pero mag-kakaiba ng kulay, anggulo, laki at haba.


"That, no, that one on the right.."


"This one?"


I nodded. "Yup." I smiled.


La Cuevas #3: Beautiful ScarsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt