Chapter 18

26.4K 973 329
                                    


"If you were given a chance to change your past, would you change it?" Tanong ni Luke habang nakayuko sa akin.



Nakahiga kami ngayon dito sa kama ng kuwarto ko. Tuluyan na nga niyang cinancel 'yong kiwarto niya sa kabila dahil uuwi na raw kami ngayong araw at hindi na siya babalik doon.



Pagkatapos naming mag.. ano.. kiss sa sasakiyan, ay mabilis kaming bumalik dito para makapag bihis. Medyo galit pa nga siya dahil baka raw magkasakit ako. Corny. Mabuti nalang at nakabili kami ng damit kagabi.



Nakatihaya siya paharap sa kisame habang ako naman ay nakahiga sa braso niya. Ang weird ng posisyon ko dahil naka harap ako sa kanya at hawak niya ang kamay kong nakapatong sa tiyan niya.



"Sadie,"



Doon lang ako nabalik sa ulirat. Gulat akong nag-angat ako ng tingin sa kaniya nang tawagin niya ako. I didn't notice I was already spacing out while we were talking here.



"Hmm?" Tugon ko.



Bumuntong hininga siya. "Right now.. you have millions in your pocket. Don't you want to heal your scar?" Tanong niya na nakapag patigil sa akin.



He's right. I have millions, my family have billions, we can make something about my scar in an instant. But the very reason that I kept it this way was because I don't want anyone to know.



"I.. I don't want." I answered honestly.



"Why?"



Huminga ako ng malalim bago muling isinandal ang pisngi ko sa balikat niya. Nasabi ko naman na halos lahat, sa tingin ko ay wala nang dahilan para maglihim pa ako. Ang dami-dami ko nang sikreto sa buhay, kahit ngayon lang ay gusto kong mabunutan ng tinik sa dibdib. Ang bigat-bigat din kasi nila kapag kinikimkim.



"I'm too embarrassed to show or even tell them about it. What if they want to see it? I can't show them. Nakakahiya."



Natahimik kaming pareho at nanatiling kalmado. Pinakikiramdaman ko ang bawat malalim niyang paghinga habang dinig ko naman ang puso naming nagtatagisan sa pagtibok.



"But they are your family.. are you sure they would make fun of you? I told you, they love you. I'm certain that they'll appreciate you being honest with them." Kapagkuwan ay sabi niya.



Hindi ako sumagot. Alam ko namang.. hindi nila ako lalaitin. Sigurado akong wala silang sasabihing masama. Ako lang naman itong sobrang insecure sa sarili ko.



"In the short time we spent together, I could already say that you've been too hard on yourself. You keep on tormenting yourself with the fact that you don't need anyone. You're so scared to be seen with any weakness. Akala mo ayos lang, but little did you know you're being unfair."



Napakunot ang noo ko at muling nag-angat ng tingin sa kaniya. Unfair? Ako? Hindi ko maintindihan. How am I unfair when all I want is for my family to mind their own business because I'm always alright?



Ayokong iniisip ako ng ibang tao dahil kaya ko ang sarili ko. Aalagaan ko ang sarili ko, patatahanin ko ang sarili ko kapag umiiyak ako, pagagaanin ko ang loob ko kapag malungkot ako, ako ang bahala sa sarili ko at hindi ko kailangan ng tulong nila kaya paanong unfair iyon? Isn't it even helpful because I'm not bothering anyone?



"Your dad wants to be a father to you, your brothers are dying to spoil you, Lea never had a sister before so she's so fond of you. Everyone.. wants to take care of you. Pero masyado kang malakas. Masyado kang mailap. 18 years had passed, and when they finally met you.. pinamukha mo sa kanilang hindi mo sila kailangan."



La Cuevas #3: Beautiful ScarsWhere stories live. Discover now