Chapter 39

33K 1K 307
                                    

Nagdadabog akong nagtungo sa kusina. Naroon ang isang kusinera at naglilinis doon.

Huminto ako sa counter at ipinatong ang mga kamay ko roon. Sumuwang ako ng kaunti upang tawagin sana ang nakatatandang kusinera, pero ganoon na lamang ang gulat ko nang mapausog ako paabante at tumama ang tiyan ko sa counter dahil sa matigas na bagay na tumama sa likod ko.

Bakas ang gulat sa mga mata ko nang umeksena sa mga mata ko ang malaki at mahabang kamay ni Luke sa magkabilang gilid ko. Pumatong ang mga kamay na iyon sa counter kaya naikulong ako mula sa likod.

Lumingon ako kay Luke at kaagad ding inilayo ang ulo ko nang halos magdikit na ang mga ilong namin! Nakadikit pa rin ang dibdib niya sa likod ko at sobrang lapit ng mukha niya dahil nakayuko pa siya! Nilingon ko rin ang maid bago nagsalita.

"What are you—"

"Sshh.." bulong niya at isang beses na sinulyapan ang kusinera. Napapikit ako nang tumama ang labi niya sa buhok ko. Nagsitayuan ang mga balahibo ko at kaagad na sinilaban ng init. What the fuck does he think he's doing?! "Don't make any noise," utos niya.

Napadilat ako at diretso ang tingin sa maid na naglilinis pa rin. Nakatalikot lang siya sa amin ngayon, pero kung sakaling mapaharap ito ay nakakahiyang maabutan niya kami sa ganitong posisyon!

"What are you doing?" Pabulong na asik ko at siniko ang likod niya, pero hinuli niya lang iyon.

Nayukot ang mukha ko sa iritasiyon. Pareho kaming nakaharap sa maid na walang kaalam-alam sa nangyayari sa likod niya. Fuck, paano kung sina Vincent naman ang pumasok dito?!

Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa utak niya at ginagawa niya ito. He's been acting weird every fucking time we see each other! Hindi pa ba sapat na araw-araw kaming nagkikita? Kailangan niya pang paigtingin ang inis ko sa kaniya? Kapag hindi siya tumigil ay baka mamatay na ako sa iritasyon!

Nagpumiglas ako para tahimik na makawala mula sa kaniya, pero naging dahilan lamang iyon  ng tuluyang pagsikop niya sa akin. Namilog ang mga mata ko nang ikulong niya ang parehong mga kamay ko sa mga palad niya at ipagkrus ang mga kamay ko. Hindi ako kaagad nakapag-react dahil parang niyayakap niya na ako ngayon!

Pilit ko siyang hinarap, pero pinirmi niya ako sa counter. Libo-libong boltahe ang rumehistro sa mga ugat ko dahil sa pagdidikit ng mga balat namin. "Fuck! Let me go, will you?!" Pabulong pa rin iyon pero mariin ang bawat salita.

Napaawang ang labi ko nang maramdaman ang labi niya ngayon sa tenga ko. What the fuck?! He doesn't even care if we're actually caught here?!  Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Ang bawat hagod ng hininga niya roon ay umaabot hanggang sa leeg ko. Kumuyom ang aking mga kamao kaya hinigpitan niya pa ang yakap sa akin.

Hindi ko na napigilan ang pag-alpas ng mabibigat na hininga ko nang maramdaman ang mga halik niya roon. Shit. Sinuri ng labi niya ang mga hikaw ko at hinalikan iyon isa-isa. Natulala ako habang dinarama iyon. Hindi ko alam, pero naluluha ako. Sa bawat paglapat ng mga labi niya sa tenga ko ay parang hinahatid ako sa kakaibang mundo. He gave me plenty of kisses while glancing at our cook once in a while, making sure she wouldn't catch us.

Mahina at mabagal ang mga halik niya, pero mapaglaro. At halos mapaluhod na ako nang maramdaman na ang init ng kaniyang dila. His tongue traced my auricle sensually, dahilan ng halos pagkalagot ng hininga ko. I fisted my knuckles to supress my trembling fingers.

"Luke," mahinang tawag ko upang pigilan siya, pero kaagad ko ring pinagsisihan nang mag-iba ang tunog noon!

Natigil siya sa paglalaro sa aking tenga dahil doon. Nakita kong binalingan niya ng isang beses ulit ang kusinera namin bago bahagyang niluwagan ang yakap sa akin kaya halos mangantog ang mga tuhod ko. Masyado akong nanghina sa nangyari. Ni hindi ako makapaniwalang nangyari nga iyon! Ng ganoon kabilis! At dito pa talaga!

La Cuevas #3: Beautiful ScarsWhere stories live. Discover now