Chapter 2

37K 1.1K 490
                                    

I know hindi maganda 'yung ugali ng bida natin for this book. Sadie, and almost all of my characters are not meant to be as perfect and ideal as you expect them to be because I want it that way. The way she act, talk and even the way she think is not advisable for you to adapt.  Please 'wag niyo siyang gagayahin. Salamat.
———


"Magpapainom ako kapag tinawag niya 'kong 'kuya'." biro ni Sage habang nag-uusap sila ng mga ka banda niya.


"Si kuya Loren nga hindi kinu-kuya, ikaw pa kaya." Sagot naman ni Andrei.


May mga plato ng pagkain sa lamesa nila at mayroon ding iilang beer pero hindi pa nilalabas ang mga hard drinks dahil para daw iyon mamayang gabi.


"Dapat kasi i-black mail mo, bago ka kuhanan ng dugo sabihin mo tawagin ka muna niyang 'kuya' hahaha!" Singit pa ni Vincent na sumisimsim sa baso ng beer.


Napangiwi ako sa sinabi niya at pinagmasdan sila habang nagkakatuwaan. Naroon din sa kanilang table si Ricci na tahimik lang pero nakiki tawa sa tuwing magbibiro sila. Si Luke ay naroon din pero nakatitig lang sa baso niya at tila may sariling mundo.


Natuon ang atensiyon ko sa kaniyang mga mata. Something in his eyes is telling me that he's bothered by something. Na may dinadala siyang mabigat at hindi iyon nakatakas sa obserbasyon ko.


You know, I'm usually silent, but I'm not blind. I observe and know things before they could even tell me. Lalo na kapag natitigan ko ang mga mata mo, kahit gaano ka pa kagaling pumeke ng ngiti ay malalaman ko kung ano ang dinadala ng loob mo.


At natutuwa ako sa tuwing makikita ko ang hirap at sakit sa mga matang iyon. Hindi ito normal pero wala naman akong inaapakang tao kaya hindi ko rin pinipigilan ang sarili kong ngumiti sa tuwing nakikita silang nasasaktan.


The sound they make when they groan in pain, the way their face crample in sting sensation, makes my lips rose to smile. It's addicting and I love that shit.


"Sadie, kanina pa kita hinahanap!" Boses ni Moli mula sa likuran ko, dahilan para mapatingin sa akin ang 5pm sa 'di kalayuan.


Naibuga ni Vincent ang beer na nasa kaniyang bibig nang makita ako at nakailang ubo pa dahil sa sakit. I smirked before I looked at Moli who's running down the stairs. Mukhang galing siya sa kuwarto ko. This girl, tsk.


Nang makalapit siya sa akin ay napangiwi siya habang pinapasadahan ng tingin ang kabuoan ko.


"Ganiyan ka hanggang mamayang gabi? May party at dadalo ang mga business partners ng daddy mo! Hindi puwede 'yan!" Sita niya kaya napakunot ang noo ko.


"Edi hindi ako pupunta—"


"Oh my god!" Napatakip siya sa kaniyang tenga na tila may narinig siyang masakit pakinggan.


Tumaas ang sulok ng labi ko at iniwan siya roon para dumiretso sa garden kung saan naroon ang anak ni Loren na kuya ko, at Celine na malamang ay asawa niya. Cohen ang pangalan ng bata at nilalantakan niya ngayon ang marshmallows na itinatapat niya sa chocolate fountain.


It's my birthday but why the hell is there chocolate fountain and too much sweets here? Am I some kind of a 7 year old girl?


Tumayo lang ako sa likod niya at hinintay siyang lumingon sa akin. Matagal bago nangyari iyon dahil busyng-busy siya sa pagkain. Nang matapos ay tuluyan na siyang tumalikod kaya naman nagtama ang paningin namin.


Namilog ang medyo singkit niyang mga mata at tila nabulunan pa sa marshmallow na kinakain niya. Hindi naman marumi ang paligid ng bibig niya dahil masinop siyang kumain. Takot sa akin ang batang ito kaya paburito ko rin siyang pag tripan. Mabuti nalang at wala sina Loren at Celine.


La Cuevas #3: Beautiful ScarsWhere stories live. Discover now