Chapter 12

27.7K 893 199
                                    


Maaga akong nagising dahil nasanay na ang katawan ko sa ganoong oras tuwing may pasok. Alas sais palang ay mulat na ang mga mata ko pero hindi ako bumangon. Nakatulala lamang ako sa bintana na natatakpan ng makapal at pulang kurtina. Dahil doon ay nagmistulang madilim sa loob ng aking silid kahit pa sumisinag na ang araw sa labas.

Hindi ko alam kung mag-hahating gabi, o talagang hating gabi na akong nakatulog kagabi dahil hindi ako mapakali. Matapos ang naging sagot sa akin ni Luke ay hindi na ako kumibo at pairap siyang tinalikuran.

Lumapit ako sa natutulog na si nanay Ida at pilit siyang inaaayos sa pagtulog para maging komportable siya rito sa sofa. Ang sabi niya sa akin ay dito raw siya matutulog para makagamit ng kuwarto si Luke. Isa pa iyon sa matagal naming pinagtalunan pero sa huli ay wala rin akong nagawa.

Hindi rin nagtagal ay pumasok si Luke sa loob. Nang makitang hirap ako sa pag-aayos kay nanay ay lumapit siya.

"Why is she sleeping here?" Tanong niya nang makalapit.

Kusa akong tumabi para umiwas dahil nalilito pa rin ako sa aking naramdaman kanina at hanggang ngayon.

"Nakatulog, hinihintay ka." Sagot ko.

Nilingon niya ako ng may pagtataka at kunot na noo.

"Why?"

Napaikot ako ng mata sa iritasyon. Seryoso? Itatanong niya pa? Malamang ay hindi naman niya sinabi na gagabihin siya kaya umasa si nanay na makakasalo namin siya sa hapunan! Bumalik tuloy ang inis ko dahil doon.

"Huwag ka ngang maraming tanong, matulog ka na."

He remained stern beside me. Ang seryoso at nagugulohan niyang mga mata ay nakapako sa akin. Naghihintay ng sagot at halatang hindi magpapagapi. Kinunotan ko siya ng noo at inirapan bago inayos ang unan ni nanay Ida.

"Doon ka na sa kuwarto niya, dito raw siya matutulo—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang kusa akong mapatabi dahil sa biglaang paglapit niya. Yumuko siya at binuhat si nanay sa maingat at mabilis na paraan. Hindi nagising ang matanda kahit pa naglalakad na si Luke palapit sa kuwarto niya.

Marahang sinipa ni Luke ang bahagyang nakabukas na pintuan ng kuwarto at pumasok doon. Sumunod ako at nakitang maingat niyang inilalapag si nanay Ida sa bagong biling kama nito. Kinumutan niya ang nanay ko at pinagmasdan sandali bago bumaling sa akin.

Napakurap ako nang magtama ang paningin namin, madilim sa loob pero natunton ako ng mga mata niya. Umayos siya ng tayo at naglakad patungo sa pintuan kung nasaan ako.

Unti-unting bumibigat ang paghinga ko habang tinatanaw siyang papalapit sa akin. When he stopped a mid step away from where I'm standing, it was when I felt my heart unbelievably stopped too.

He towered me while staring directly into my eyes, examining and trying to communicate with them but I didn't let him get a glimpse of what I am thinking or even feeling right now. And when his gaze found their way to glance at my bare ears, I gulped in fear of what he might do next. With just the way he looks at it, I automatically got this feeling that he will punish me the same way he did the last time.

I tried to crease my brows to fight the urge of blinking several times because of the sudden move. I was stunned to face him this close after what he did to my ears. I guess I was traumatized.

"I'll lock the door before I sleep on the sofa. You can go to your room now."

Hindi niya na hinintay ang isasagot ko. Lumabas siya ng kuwarto at iniwan akong nagpipigil ng hininga rito. Ilang segundo akong nakatulala sa puwesto niya kanina habang pinapakalma ang aking sarili. Wala na siya sa harapan ko pero naiwan pa rin ang malakas at mabilis na pagtibok ng puso ko.

La Cuevas #3: Beautiful ScarsDove le storie prendono vita. Scoprilo ora