Chapter 13

26.1K 850 157
                                    


Ala-una ng umaga. Nakasuot ako ng itim na hoodie at itim na pantalon. Nakapasok ang parehong mga kamay ko sa bulsa niyon at kapwa mahigpit na naka kuyom. Natatakpan ng hood  ang ulo ko habang nakatayo ako sa loob ng isang lumang warehouse.




Narito na ako sa lugar na sinabi ni Benj kung saan makikipagkita ang kostumer sa akin. Matagal ko na itong hindi ginagawa, sinabihan ko si Benj noon na ayoko na dahil natatakot ako.




Nag-away kami at akala ko ay nagkasundo na kaming tumigil pareho, pero humiling siya sa akin kanina na ako ang maghatid nito rito dahil mainit na siya sa mga otoridad. Doon ko napagtanto na hindi pa nga siya tumitigil.




Nakakadismayang malaman iyon, ngunit nangibabaw pa rin ang pagmamahal ko sa kaniya. Sa huli ay pilit ko na lamang inintindi ang kaniyang dahilan.




Umaasa akong ito na ang huling beses na gagawin namin ito, nag-usap kami bago ako umalis na hindi na ito mauulit at gagawin ko lang ito para makatulong sa pag-aaral niya. Kailangan niya na kasing magbayad ng tuition para sa susunod na sem. Pareho kaming nasa senior high school at menor de edad pa lamang.




Ayoko talaga sanang sumali sa ganitong gawain, pero ginawa ko na rin dahil mahal ko si Benjie at ayoko siyang huminto sa pag-aaral. Gusto kong sabay kaming makapagtapos at maabot ang mga pangarap namin. Iyon ang dahilan kung bakit tinutulungan ko siyang magbenta ng ipinagbabawal na droga.




"Ikaw ba si Sadie?"




Nag-angat ako ng tingin sa dalawang lalaki na hindi ko namalayang narito na pala sa harapan ko. Kapwa sila naka sando at payat. Halos lumuwa na ang kanilang mga mata at mamula-mula rin ito. Lihim akong napabuntong hininga dahil hindi na bago sa akin ang mga ganitong hitsura, gayun pa man ay hindi maalis sa akin ang takot.


Hindi ako nagsalita, sa halip ay inilahad ko ang aking palad para sa kanilang bayad. Ang droga ay nasa kabilang kamay ko sa loob ng bulsa.




Sabay silang nagbaba ng tingin sa palad ko at ngumisi. Akala ko ay iaabot na nila ang bayad, ngunit nang hawakan nila ang kamay ko ay lalong nabuhay ang kaba sa aking dibdib. Mabilis kong binawi ang aking kamay at pilit na nilabanan ang takot.




"Gago ka ah!" Sita ko.



Pinilit kong magmukhang matigas at matapang upang sa gayon ay hindi nila maamoy ang takot ko, kahit takot na takot na talaga ako.




Nagtawanan sila. "Hindi naman pala mabiro itong bata ni Pedro, masungit.. hahaha!" Napakunot ang noo ko nang magpatuloy sila sa panunuya. Si Pedro iyong pinagkukuhanan ni Benjie ng supply. Isa rin siyang adik at gahaman sa pera.




"Nasaan na ba ang bayad? Huwag niyong sayangin ang oras ko." Hindi ako madalas magsalita ng ganito. Walang emosyon at diretso, pero ito ang kailangan para sindakin ang mga ganitong klase ng tao.




Kahit pa gusto ko nang tumakbo at umalis dito ay pinanatili kong diretso ang aking pagkakatayo. Halos pigilan ko na rin ang aking sarili sa panginginig ng aking mga tuhod, natatakot ako, hindi ako sanay at kailan man ay hindi ako masasanay kahit pa ginagawa ko na ito noon.




"'Yong gamot nasaan?" Tanong ng isa habang nakatingin sa mga hita ko. Partida naka pantalon ako ngayon, wala na talagang pinipiling kasuotan ang mga lalaki sa pambabastos nila. Tahimik akong napabuntong hininga bago inilabas ang 'gamot' na tinutukoy nila.




Mabilis ko iyong ibinalik ulit sa aking jacket nang nakita na nila. Nang tumango sila at mag abot na ng bayad ay saka naman umalingawngaw ang sirena ng mga pulis.




La Cuevas #3: Beautiful ScarsWhere stories live. Discover now