Chapter 10

29.6K 953 245
                                    

Pagkatapos naming mag dinner ni Sage ay umakyat na ako sa kuwarto. Kanina pa umuwi ang mga ka banda niya at hindi na sila nag dinner dito kaya hindi ko na kailangang magkulong sa kuwarto para doon kumain.


Kumuha ako ng damit pantulog sa cabinet at pumasok sa banyo. Nakalublob ako sa bath tub habang iniisip ang mga sinabi ni Luke. May gagawin din siya sa Maynila? Ano naman? At bakit kailangang mag sabay pa kami e kaya ko naman ang sarili ko?


Bakit nagagawa niyang umakto ng normal at parang wala lang? Nakalimutan niya na ba ang ginawa niya sa akin? Puwes ako hindi. Dahil sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko ay nakikita ko ang mapupungay niyang mga mata na nakatanaw sa akin. Naririnig ko ang mababa at baritono niyang boses na sumasalubong sa pandinig ko. Nararamdaman ko ang mainit at malambot niyang labi sa aking tenga. Fuck, mukhang hindi na iyon maaalis sa isip ko!


Tapos siya ay wala lang? Parang hindi niya ako pinagtripan?! Napabuntong hininga ako at iritadong  inilubong ang mga balikat ko sa tubig. Ayoko siyang makita. Iniisip ko palang na makakasama ko siya sa biyahe ay nababalisa na ako. Hindi ako mapakali kanina pa dahil sa pag ooverthink kung ano ang dapat kong gawin kapag nangyari iyon.


Huwag nalang kaya akong tumuloy? O di kaya ay ipag paliban ko nalang muna ang pagluwas ng Maynila? Sa ibang araw nalang kung kailan naka alis na siya para hindi kami magsabay? At kung tama ang sinabi niyang matatagalan siya roon ay baka hindi ko na kailanganing umalis. Aalis lang naman ako dahil iniiwasan ko siya, ngayong aalis siya ay hindi ko na kailangang tumuloy hindi ba? Ano pa ang saysay?


Napalabi ako sa pag-iisip at naalala si nanay Ida. Gusto ko rin siyang makita.. pero hindi ko kasi kayang sikmurain ang hitsura ni Luke. Ayoko siyang makasama. Sa ibang araw nalang, tama, hindi ako sasabay.


Mabilis na akong naligo at lumabas ng banyo suot ang ternong pajama ko. Umupo ako sa vanity chair at nagsuklay bago pinatuyo ang aking buhok gamit ang hair dryer. Nakatanaw ako sa aking sariling repleksiyon sa salamin at pinagmamasdan ang mga tenga kong walang hikaw.


Bumusangot na naman ang mukha ko nang maalala ang dahilan kung bakit takot na akong maghikaw ngayon. Napairap ako sa hangin at itinigil ang pagpapatuyo sa akin ng buhok. Sakto namang nakarinig ako ng katok sa aking pintuan kaya napalingon ako doon.


Hindi nila bubuksan ang pintuan ko kung hindi ako ang magbubukas, hindi sila papasok kung hindi ko sinasabi, puwera nalang kay Moli na walang sinusunod na batas. Ibinaba ko ang hair dryer at suklay bago tumayo at naglakad patungo sa pintuan.


Nang binuksan ko iyon ay bumungad ang babaeng katulong na tila nahihiya o natatakot sa paraan niya ng pagtingin. Hanggang ilong kolang ang dinapuan niya ng mata at hindi makatingin sa akin. Walang emosyon ko siyang tinignan at hinintay na magsalita.


"M-ma'am, pinapatawag po kayo ng daddy niyo sa office  niya." Sabi niya at muling yumuko.


"Susunod ako." Sagot ko.


Mabilis naman siyang tumango at umalis sa harapan ng kuwarto ko. Isinarado ko ang pinto at bumalik sa vanity chair para ipagpatuloy ang pagpapatuyo sa aking buhok. Nang matapos ay saka lang ako lumabas at nagtungo sa office ni dad. Bakit niya naman ako ipapatawag?


Hindi na ako kumatok kagaya ng ginagawa ni Loren tuwing papasok dito. Binuksan ko ang mataas at malaking pintuan ng office ni dad. Pumasok ako at sinalubong ng tahimik, puno ng libro at mga paintings na silid. Madalang akong pumasok dito dahil madalang na ring magpunta dito si dad. Madalas ay sa kuwarto na siya namamalagi dahil nagpapagaling pa rin.


Naroon pa rin ang pinakamalaking portrait ni mommy na walang dudang kamukha ko nga. Idagdag mo pa na suot niya ang engagement ring nila ni dad na isinauli ko na sa kaniya. Ang sabi niya ay sa akin na iyon pero ayoko na iyong isuot dahil sa tuwing makikita ko iyon ay naaalala ko lang ang mga pinagdaanan ko noon. Sana nga ay ganoon din ang peklat ko sa dibdib, kapag binitawan ko ay mawawala.


La Cuevas #3: Beautiful ScarsWhere stories live. Discover now