Chapter 16

28.2K 866 105
                                    

Ray?.. I think I already heard that name before.. who is she?



"Uy babe!"



Nagulat ako nang bigla na lamang sumulpot mula sa kaliwa ko ang isang lalaki. Nakayuko siya sa akin at nakangisi na parang aso. Maging ang mukha niya ay parang chinese crested. Nang makabawi ako sa pagkagulat ay nanatili akong nakaupo at nagtaas ng kilay sa kaniya.



"Are you alone?" Parang tangang tanong niya. Based on his tone, halatang lasing ito. I really hate drunk people who can't get a hold of themselves. Nakakairita.



Kinuha ko ang mga cellphones namin ni Luke at mahigpit na hinawakan. Mahirap na. Nang hindi ko siya sagutin ay mahina siyang tumawa na parang naiinsulto sa akin. That's it. Iyon naman talaga ang gusto kong iparating.



Dumukot siya ng kung ano sa kaniyang bulsa at ipinakita ito sa akin. It's a red key card of I think, one of the rooms here. Walang gana ko siyang tinignan at hindi rin nagtagal dahil nakakasuka ang pagmumukha niya. Tumayo na ako at tinalikuran siya pero nanlaki ang mga mata ko nang hilahin niya ang jacket ko mula sa likod!



"'Wag ka ngang bastos! kinakau—"



Mabilis akong napaharap sa kaniya at nabitawan ang mga cellphones.



"What the hell?!" Asik ko nang lumihis ang jacket ko dahil hindi naman ito naka butones. Bumaba ito hanggang sa taas ng siko ko kaya naman lumantad ang tank top ko, at higit sa lahat ay ang peklat ko!



Nagulat din ang lalake sa nakita niya. Nanginginig kong sinikop ang jacket at muling isinuot, hindi ako mapakali.



"Woah, woah, ano 'yun?!" Manghang tanong niya at bigla na lamang lumapit sa akin! Hinawakan niya ang jacket ko at pilit itong hinuhubad. Sobrabg nagugulat ako sa mga pangyayari. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakaawang ang aking labi.



"Bitawan mo'ko! Tangina!" Sinubukan kong alisin ang kamay niya ngunit napakalakas ng asong ito. Sinipa ko siya pero hinampas niya ako sa sementadong railings ng pagoda.



"Ah!" Hiyaw ko nang tumama ang likod ko roon. Shit. "Bitaw—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang tuluyan na akong maluha. "B-bitawan mo'ko!" Iyak ko nang mahubad ang jacket ko.



"Hanep! Ano 'to? Totoo ba 'to?" Tila tuwang-tuwa pa siya na makita ang peklat ko roon, na parang isa iyong nakakatuwang bagay na dapat niyang ipagkalat.



Napuno ng galit ang mga mata ko habang walang tigil ito sa pagtangis. Lalo pa akong sinilaban ng pagkamuhi nang hawakan niya iyon. Hinawakan niya! Hindi na ako nagdalawang isip na sumigaw.



"Tulong—" nakulong ang boses ko sa kaniyang mabaho at magaspang na palad. Nanlilisik ang mga mata niya ngayon at amoy na amoy ko ang mumurahing alak mula sa kaniyang paghinga. Sobrang lapit niya sa akin.



Sinubukan kong tuhurin ang ari niya ngunit masyado akong mahina para maigalaw pa ang mga paa ko. Umiyak ako nang umiyak habang parang baliw siyang tumatawa.



Nanginginig ako, takot na takot ako. All my life, no one has ever touched me there. Ni hindi ko iyon gustong ipakita kahit kanino! Napaka baboy niya, ang sama-sama niya!



"Sadie your room is—"



Iminulat ko ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Luke. Mula sa mga cellphones namin na nasa sahig, ay umangat ang tingin niya sa amin ng lalaking nasa harapan ko.



Nanlaki ang mga mata niya at walang sabi-sabing tinakbo ang distansiya namin. Napaigtad ako sa lakas ng puwersa niya. Namalayan ko na lang na nasa sahig na ang lalaki habang pinapaulanan siya ng suntok ni Luke.



La Cuevas #3: Beautiful ScarsWhere stories live. Discover now