Chapter 27

24.4K 852 144
                                    

Sa utos ni kuya Loren, ay hindi binuksan ang Mansyon namin para sa mga nais dumalo para makapag-ingat. Triple na rin ang dami ng mga body guards namin at lalo pang hinigpitan ang seguridad sa buong village.

Pumutok ang balitang nabaril si daddy. Nabalot ng takot ang La Cuevas, at nagpahatid ng mensahe ang mga kakilala at kaibigan niya. Nagkaroon din daw ng pag-alala kay daddy sa kumpanya niya. Baka sa susunod na taon, ay si Lea na ang magpapalakad noon. Sa ngayon ay naipasa ang lahat ng responsibilidad kay kuya Loren at ate Celine.

Tahimik ang buong mansiyon sa araw ng libing ni dad. Ang katawan ni nanay Ida ay narito rin. Ako ang nagpauwi ng bangkay niya para dito mahimlay. Gusto kong palagi ko silang mapuntahan pareho ni daddy sa tuwing gusto ko.

Suot ang itim na pantsuit, ay naglakad ako patungo sa kabaong ni daddy. Hawak ko ang pulang rosas na ihuhulog sa hukay kung saan siya ililibing. Parang hindi ko kaya. Nanginginig ang aking mga kamay habang mahinang humihikbi. Hindi ako makapaniwalang nakahiga siya sa loob ng puting kabaong na iyon. Hindi ako makapaniwalang wala na talaga siya.

Ang sabi ni kuya Loren, sa Emergency room pa lamang ay nawala na siya. Pilit siyang nire-revive ni kuya sa operating room, at kahit pa inabot sila ng dalawang oras sa pagpipilit na iligtas si daddy, ay hindi na talaga posible. Bumigay na ang katawan ni daddy, sumuko na ang daddy ko.

Naging malakas ang paghikbi ko. Nanginig ang mga balikat ko nang yumuko ako sa hukay. Kung may sapat na lakas lamang ako, ay ipaglalaban kong mabuksan iyon para makita ko pa siyang muli. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong humingi ng tawad na namatay siya dahil sa 'kin. Ang sakit-sakit.

Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni kuya Sage. Hinawakan niya ang mga balikat ko at bumulong sa aking tenga. "Please, Sadie.."

Mariin akong pumikit at ikinuyom ang aking mga kamao. Dahil doon, ay nabali ang tangkay ng rosas na hawak ko. Gayundin naman ang mabilis na pag-agos ng malagkit kong dugo dahil sa init ng araw. Hindi ko ininda ang sakit nang pagtusok ng mga talim sa palad ko mula sa tangkay ng rosas. Inihagis ko iyon sa hukay ni daddy.

"Sadie!" Mahinang sita sa akin ni kuya nang makita ang kamay ko. "Let's go," hinila niya ako pabalik sa may silong kung nasaan silang lahat. Nagpatuloy ang paghuhulog ng mga rosas hanggang sa matapos ang seremonya ng pari.

Si Cohen at ate Celine ay nasa tabi ko. Katabi nila si kuya Loren na naka itim na shades. Tahimik lamang siya habang naka pasok ang isang kamay sa bulsa, at naka hawak sa bewang ni ate Celine. Ngunit batid ko ang pamumula ng kaniyang mga mata kahit pa natatakpan iyon ng salamin.

Sina Lea at Gavin, ay nasa tabi ni kuya Sage. Malakas ang iyak ni Lea habang inaalo ni Gavin. Kami lang ang narito bukod sa mga guwardiya. I was leaning on kuya Sage's chest when I remembered Ray. Hindi ako puwedeng magkamali. It was her dog's bark that I've heard when dad was shot. Tila nagulat ang aso sa lakas ng putok kaya mabilis na umalis ang van. Why.. did she have to go that far? Bakit kailangan pati si nanay Ida?

Pinagmasdan ko ang dalawang kabaong na nasa harapan. Kanina pa natapos ang pagbibigay ng rosas para kay nanay Ida. At sobrang sakit.. na maghulog ng dalawang rosas sa dalawang taong pinaka mahalaga sa'yo. Sobrang sakit na makita silang parehong walang buhay sa harapan mo. Ang sakit na alam mong namatay sila dahil sa'yo.
















"But.. a mere dog's bark couldn't be used as a strong evidence. The cctv footage of the villa didn't covered the road, kayo lang ang nakita. Pero 'yung cctv sa main road, nakuha ko. And yes, galing nga sa itim na van iyung bumaril. But it has no plate number. Hindi rin natagpuan ng mga tauhan ng dad mo 'yung sasakiyan." Paliwanag ni ate Celine.

La Cuevas #3: Beautiful ScarsWhere stories live. Discover now