Chapter 9

29.5K 981 234
                                    


"Bwisit,"


"Shit wait,"


Tumunog ang buzzer ng katabi ko, hudyat na tapos na siyang sumagot. Inalis ko ang pagkakatingin ko sa lense ng microscope na nasa tapat ko at dali-daling isinulat ang pangalan ng parasite sa parasite column ng hawak kong  answer sheet.


Umalis ako roon at pinindot ang buzzer bago nagtungo sa susunod na microscope. Halos magkandahilo kami sa sobrang bilis ng pag-ikot. Masyadong mabibilis ang iba kaya't mas bumibilis ang rotation namin, walang puwedeng mahuli dahil mas-stuck sa pila ang kasunod dahilan para maging damay-damay ang pagtigil.


Pikit ang kaliwa kong mata nang sungawin ko ang microscope at pilit na inanag ang microorganism na naroon. Nakita kong isa iyong bacteria at pilit na inalala ang pangalan noon. Tumunog ang buzzer ng katabi ko kaya wala na akong nagawa kundi ang magsulat.


Nang matapos ay pinindot ko ang buzzer ko at dumiretso sa kasunod na naman na microscope. Paulit-ulit lang, pipindot, lilipat, titingin, mag-iisip, sasagot, at pipindot ulit para makalipat.


Sigurado akong tama ang mga pangalang naisagot ko, ang problema lang ay kung tama ba ang spelling ng mga iyon. Maraming bacteria ang may komplikadong pangalan at nakakalito sila minsan. Bawal pa naman ang erasures kapag ganitong practical exam tapos moving system.


"Luh, 'di ko pa nakikita!"


"Ang bibilis nila,"


Hindi ko na pinansin ang mga reklamo nila, nagpatuloy ako sa pag ikot at pagsagot hanggang sa matapos ang 20 items sa moving system. Ito ang huling parte ng practical exam namin ngayon, at pagod na nga ang utak ko sa pag sagot sa unang tests kanina, nahilo pa ako sa kakaikot at kakayuko.


Ipinass na namin ang mga papel namin at nagsimulang mag-ingay ang mga kaklase ko. Seryoso lang naman si sir Bartolome habang kinukuha ang mga papel. Ito ang huling araw namin sa eskwela dahil magmula bukas ay sembreak na.


"Gago feeling ko bagsak na naman ako," boses ni lovely.


"Feeling ko din," sagot ni Cathleen.


"Na bagsak ka?"


"Na bagsak ka."


"Ulul."


"Hi Sadie! Siguro ang dami mong nasagot no?" Lumapit sa akin si Izza.


Nilingon ko siya at hindi sinagot. Inalis ko ang lab coat ko at naglabas ng alcohol. Nang magsawa siya sa kakahintay ng sagot ko ay nahihiya siyang umalis at nagbulungan sila.


Napailing ako at nagsanitize ng kamay bago lumabas bitbit ang bag at tackle box ko. Dumiretso ako sa shower room at naligo bago umuwi.


"Sadie pahingi ng alcohol!"


Sinamaan ko ng tingin si Moli na may nakakalokong ngiti sa akin. Nandito siya sa sala ng mansiyon at nakasuot ng maikli at hapit na stripe dress. Kulay brown iyon at puti.


"Ginagawa mo dito?" Tanong ko at ipinatong ang bag ko sa single chair sofa bago umupo sa mahabang sofa. Ibinagsak ko ang katawan ko roon at tumingala sa pagod.


"Maagang nagsimula 'yung sembreak namin, kahapon pa kami walang pasok! Ikaw, last niyo na ngayon?" Tanong niya.


Pumikit ako at marahang tumango. Nahihilo pa rin ako. It's been almost three weeks since that disaster happened. Hindi nagkakamali ang bilang ko, tatlong lingo na bukas mula noong araw na inalis ni Luke ang mga bagong piercings ko gamit ang bibig niya.


La Cuevas #3: Beautiful ScarsWhere stories live. Discover now