Pinapangunahan ako ng mabilis na tibok kong puso saka unti-unting napaangat sa lalaking ito.

"Let go" bukod sa malamig ang pagkakasabi niyon ni Sir Cafaro ay walang kasing lamig niya rin ako kung tignan na parang may ginawa akong hindi niya nagustuhan.

Tinutukoy niya ang mga bubog na nasa isang palad ko na ngayon ay pinapabitiw niya iyon. "Do you hear me?" ganoon ka seryoso na lang siya tignan kaya mabilis kong binalik ang mga bubog sa sahig. Lalo na't humigpit ang pagkakahawak niya sa isa kong kamay.

Magsasalita pa sana ako pero nabaling ang tingin ko sa sunod na lumapit, si Sir Dewei kasama ang ibang lalaking katrabaho ko dito sa coffee shop at sila ang kaagad pinaligpit niyon matapos akong marahas na pinatayo ni Sir Cafaro.

Napapangiwi akong nagbaba ng tingin sa kahihiyan lalo pa at nakakaramdam ako ng sakit sa higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko.

Sinubukan kong mag-angat ng tingin pero muli lang akong napaiwas ng tingin nang makitang tama ang hinala ko na halos lahat ay pinag-uusapan kami dito.

Nahagip rin kase ng mga mata ko na matalas ang pagkakatingin sa akin ni Nurse Jeralene. Naiisip ko tuloy kung ganoon ba kahalaga ang tasa para ganyan sila kung makatingin sa akin. Baka mamahalin ang nabasag ko at makaltasan pa ang sahod ko.

Akma na akong magpapaliwanag na hindi alam kung saan titingin, kay Sir Dewei ba o kay Sir Cafaro pero hindi na natuloy nang kaagad akong marahas na kinaladkad ni Sir Cafaro sa pagkakahawak niya sa akin.

Nasa lubong pa namin si Maya na nagbaba ang tingin sa kamay ni Sir Cafaro na nakahawak sa akin.

Nakayuko akong nagpatianod na lang dahil kung aangal ako ay baka wala na akong kamay sa higpit ng pagkakahawak ni Sir.

Mabilis ang pagkakalakad niya papalayo sa doon kaya halos magkanda-talisud ako sa pagkakahila niya. Umaapaw na ang kaba ko, hindi ko maintindihan kung bakit ganito siya kagalit tignan.

"S-Sir Cafaro—————" napadaing ako dahil humigpit na naman ang pagkakahawak niya sa kamay ko na halos mangitim ito na nawalan ng dugo doon banda.

Huminto siya saglit saka ako malamig na tinignan "I've told you before, bawal kang masugatan" pagpapaalala pa nito sa akin, ngayon ko naintindihan kung bakit mukhang galit na nga siya, naalala ko ang sinabi niya sa maling pagpatak ng dugo ko ay magbabago ang lahat.

"S-Sorry po, hindi ko——————" naputol ang sasabihin ko nang kaladkarin niya ako ulit.

Wala ng katao-tao dito pero patuloy pa rin siya sa pagkaladkad sa akin hanggang sa pareho kaming mahinto nang sa kabila ko namang palapulsuhan kung nasaan ang napaso kong kamay ay may humawak sa akin doon banda. Si Sir Dewei.

"Calm down, brother" ani Sir Dewei kay Sir Cafaro. Lalo akong kinakabahan sa seryoso nilang tinginan na para bang 'di oras na magsusuntukan.

'Brother? Magkapatid sila?'

Nagpalitan ang tingin ko sa dalawa at kinukumpara ang dati ko pa napapansing magkahawig nga sila. Dontai and Dewei, magkalapit ang pangalan. Parehong D.

Lutang nga siguro ako nang hindi ko naisip agad na posibleng magkapatid sila. Paano kase mas pagkakamalan ko pang magkapatid si Sir Dewei at Blake sa ugali nilang minsan seryoso, minsan lokoloko.

Nagbaba ako muli ng tingin nang sabay nila akong sinulyapan, ako tuloy ang natapunan ng nakamamatay na tingin.

"le stai facendo male" (You're hurting her) rinig ko pang ani Sir Dewei.

Sa pagkakasabi niyon ni Sir Dewei ay bahagyang lumuwag ang pagkakahawak sa akin ni Sir Cafaro pero hindi pa rin binitawan ang kamay ko, ganon rin si Sir Dewei na hawak ako sa kabila ko namang palapulsuhan.

Sangue Dolce ✔️Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin