Episode 13: Yo También Te Amo (Part 3)

204 6 17
                                    

[Direktiba mula sa Opisina ng Gobernador General ng Pilipinas: Oktubre 1, 1843

Йой! Нажаль, це зображення не відповідає нашим правилам. Щоб продовжити публікацію, будь ласка, видаліть його або завантажте інше.

[Direktiba mula sa Opisina ng Gobernador General ng Pilipinas: Oktubre 1, 1843.

Ipinaaalam sa lahat na ang sumusunod na pabuya ay ilalaan para sa mga kababaihang dalaga ayon sa klase at estado. Ito'y upang mapanatili at mapatatag ang pagkakaisa ng mga lahi sa kolonya.

Ang isang mestizang chino na magpapakasal sa isang indio ay bibigyan ng 100 pesos; babaeng indio sa mestizong chino, 100 pesos; mestizang chino sa Filipino Español, 1000 pesos; Filipina Española sa mestizong chino, 2000 pesos; babaeng indio sa Filipino Español, 2000 pesos; at Filipina Española sa datung indio, 3000 pesos.]

(A/N: This is based on true historical dowry incentives in Spanish colonial period.)

* * *

* * *

Йой! Нажаль, це зображення не відповідає нашим правилам. Щоб продовжити публікацію, будь ласка, видаліть його або завантажте інше.

* * *

Йой! Нажаль, це зображення не відповідає нашим правилам. Щоб продовжити публікацію, будь ласка, видаліть його або завантажте інше.

* * *

Araw ng Kaarawan ni Don Miguel
Pasilyo ng mga Munting Silid

"Binibining marikit," bungad na bati kay Klarissa ng nakangiti niyang nobyo.

Kalalabas pa lamang niya noon mula sa kanyang kwarto nang sinalubong siya ni Arturo sa pinto tulad ng napagusapan. Ngayon kasi ang araw ng pista't kaarawan ni Don Miguel kung kaila'y nakatakda rin nilang ipagtapat ang kanilang relasyon sa ama ng lalaki. Ibinili pa siya nito ng mamahaling bestida at alahas upang magkaterno sila ng suot sa importanteng okasyon na ito. Pero natatakot parin siya. Marami parin ang hindi nakakaalam ng kanyang posisyon sa buhay ng señorito kaya't kahit sa pagdalo niya sa pista'y heto't may pagbabalat-kayo. Kahit tuloy mistula siyang isang ganap na marangyang dalaga'y hindi parin niya maiwasang sumimangot sa kaba.

Fated to Love You: BOOK 3 || Social Serye [FINALE]Where stories live. Discover now