Episode 9: The Fall of Alexander the Great (Part 3)

517 18 10
                                    

"Xander!"

Naabutan pa ni Cathy sa labas ng board room ang asawa na paruot-parito sa paglalakad. Hindi pa pala ito tuluyang umaalis. Lalapitan sana niya ito ngunit nang magtama ang kanilang mga tingi'y ito na mismo ang nagkadarapa sa mabilis na paglapit. Galit parin ito at wala itong balak na pumreno sa pambibira.

"Seriously—Cathy?! Have you lost your mind?!" Ngatal ng litid ng lalaking iniiling ang ulo.

Sinubukan parin niyang sumagot dito nang malumanay kahit na sukdulan sa langit ang panggagalaiti nito.

"Nagagalit ka ba dahil ite-takeover ko 'yong position mo o—"

"Really?!!" Bulalas nitong hindi makapaniwala sa narinig. "Did you really ask me that question?!"

"Hindi ko kasi alam kung—"

"Cathy?! I'm mad because you're placing yourself in a den of lions! Do you know how stressful this job is? Anong gusto mong mangyari sa baby natin? I won't be there to help you when the work gets tough!!"

"A-Alam ko naman... pero..." subok parin niyang pagpapakalma sa esposo. Tinabanan pa niya ang braso nito't hinimas nang kaunti.

"... kung hindi ako, sino? Sino pang pagkakatiwalaan mo?"

Nawalan tuloy ng kibo ang kausap na habul-habol parin ang hininga. Kunot-noo itong nagbabantay ng galaw niya ngunit ni katiting na kataga'y hindi naman ito makapagsalita.

"Kung may pagkakatiwalaan ka, sige aayaw ako. Pero Xander... pinili ako ni Lola for a reason. May tiwala siya sa'kin na magagawa ko 'to. Sana ikaw din," dagdag pa niyang himok sa asawa.

Lumayo nalang si Xander ng masid. Paulit-ulit parin ang pagbuntong-hininga ng kaharap na makikitang nakapamaywang doon sa pwesto. Kita naman sa mga kilos ng esposo na hindi parin nito matanggap ang desisyon niya. Nagtatalo sa itsura nito ang halu-halong emosyon na walang ibang mapaglabasan kundi galit.

Pero kung wala naman siyang gagawin ay baka lalo lang masadlak sa kawalan ang lahat ng ipinundar ng pamilya Del Viñedo. Lalo lang masayang ang dugo't pawis ng mga ninuno ng asawa, kasama na ang magulang at lolo't lola nito. Hindi ba ito naiintindihan ni Xander? O sadyang magulo lang ang utak nito sa mga napagdaanan ngayong araw?

"Have faith in me..." muli niyang samo sa lalaki. "Hindi naman 'to permanente eh. Ibabalik ko lang 'yong tiwala ng mga tao sa pamilya natin. Sa'yo—"

"I'm leaving."

Binawi na ni Xander ang braso nito kung saan siya nakakapit at akma na sanang aalis, pero mabilis niyang naibalik ang mahigpit na kapit dito habang pinipigilan itong lumakad.

"Xander... teka lang, please..."

"I'm going back to the hospital. Are you coming with me or not?"

"Sandali lang..."

Muling humarap ang kabiyak at noo'y buong paniningkit na inilahad ang naglalaro sa isip.

"I knew it.... I knew that sooner or later you'd prioritize your work more than your family. I had a feeling before and now it's happening..." patangu-tango pa nitong sabi.

Fated to Love You: BOOK 3 || Social Serye [FINALE]Where stories live. Discover now