Episode 18: I Choose You (Part 6)

51 2 0
                                    

Kinabukasan, 8:00 am.
Hacienda de las Rosas Silvestres

"Mam..."

"... Mammm..."

Nakangiting pinagmasdan ni Cathy ang karga-karga niyang sanggol na pilit siyang kinakausap. Namumungay pa ang mga mata nitong pinagaganda ng mahahabang pilik-mata. Mukha talaga itong kerubin. Mentras niya itong tinititiga'y nakikita niya ang pagkakaparehas nila't gayundin ang mga bagay na nakuha naman nito sa ama.

Kasalukuyan sila noong namamahingang mag-ina sa tumba-tumba malapit sa malaking bintana kung saa'y natatanaw ang magandang hardin. Ang sarap ng simoy ng hangin doon. Kahit na tuloy pagod siya sa mga kaganapan kagabi'y nanunumbalik ang kanyang enerhiya.

"Mammm... ah... mammmma..." ulit naman ni Zia na nakakaaliw ang paghulma ng bibig.

"Bakit mo tinatawag ang Mama? Mama's right here," tugon niya saka humalik sa noo nito. "I'm right here, my love."

"Mamaaa..."

"Mm... I love you, baby bunso. Zia kong maganda. Munti kong prinsesa."

Ngumiti agad ang sanggol saka inabot ang pisngi niya matapos ay bigla itong naghikab. Napaka-cute! Pinupog tuloy niya ng marami pang halik ang anak at hinili ang sarili sa amoy nitong mabango.

Pagtingala niya sa tanawi'y nahagip agad ng mata niya ang paparating na si Xander. Nakasuot ito noon ng plain na puting t-shirt, joggers at runners. Pawisan pa ang damit nito't kagagaling lang sa natapos na morning jog kaya't humuhulma sa basang pantaas ang dibdib nitong matipuno. Jusko! Matutunaw ata ito sa ginagawa niyang pagtitig. Napakalakas kasi ng sex appeal nitong dala ng simpleng pormahan at makisig na tindig.

Ano ba naman... ang gwapo.

Ewan ba't naramdaman ata nito ang titig niya dahil bigla nalang tumingala ang mister sa bintana. Pagkakita nito sa kanilang mag-ina'y mabilis na sumilay ang ngiti nitong maliwanag pa sa sikat ng araw. Nangiliti tuloy ang kinilig niyang puso—Lord, please. Hindi na ata mawawala ang rupok niya sa ngiti ng katuwang.

Pero habang nakatitig sila sa isa't isa'y may kung ano pang ibang sensasyon na naglaro sa kanyang dibdib. Lalo pa't natatanaw niya ang kabuuan ng esposo na pinaliligiran ng mayabong na mga punong saksi sa daan-daang taong kasaysayan ng lugar. Alam niyang alam din nito ang nararanasan niya kaya't hindi nito maalis ang masid sa balkonahe ng lumang mansyon. Parang panaginip ngunit totoo itong nangyayari, nakakalula sa pakiramdam. Kapayapaan nga ito't katapusan—kapayapaan na parehas nilang pinagsasaluhan sa simula ng bagong yugto ng kanilang pagiibigan.

Mahal... ito na ba 'yong 'happily ever after' natin?

"HUYY!" Biglang banat ni Paolo na ginulat silang parehas sa pagdating. May pagyugyog pa ito sa balikat ni Xander kaya't kitang-kita ang gitla nito.

"Umakyat ka na at hindi 'yang nagtititigan kayo d'yan. LDR ba, ha? LDR?!" Sita pa ng kaibigan sa asawa niya saka ito kumaway. "Good morning, Madam Cathy!"

"Good morning," natatawa tuloy niyang bati.

"Hi, Mama! Hi, Zia!"

Nagsunud-sunod na nga ang dating ng mga nagsipag-jogging na pinangungunahan ng kumakaway niyang panganay. Mukhang maganda ata ang dulot ng probinsiya rito't wala itong uang sa paggising sa umaga.

"Hello, taas ka na dito, 'nak. Mukhang basa ka na ng pawis."

Mabilis nga na pumasok si Zion sa bahay at inunahan pa ang ama. Sa likod nito'y nagsitakbo rin ang mga pinsan na kasa-kasama nitong mag-ehersisyo sa malawak na lupain.

Fated to Love You: BOOK 3 || Social Serye [FINALE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon