Episode 12: The Second Strike (Part 1)

365 8 1
                                    

Present Day.
Bahay ni Kakang Husta.

"No..."

Parang sinisilaban sa upuan ang katawan ni Xander sa namumuong galit na nararamdaman. Tama ba talaga ang kanyang narinig? Kailangang pagpilian ang kapalaran ng dalawa niyang anak para lamang matigil ang kuru-kurong sumpa?

"... Fuck no!!!"

Agad siyang napatayo sa gigil na kitang-kita sa mukha niya. Mabilis namang hinuli ni Cathy ang kanyang braso't pinigilan siya sa pagkilos.

"Xander..." ani ng asawang hinihila ang kanyang manggas.

"Let's get out of here," matigas niyang sabi sabay taban sa kamay nito.

"Teka... teka lang..."

"Do you hear this nonsense?! Choosing between Zion and the baby?"

"Kumalma ka muna—"

Hindi na siya nakinig sa esposa at hindi narin siya nagpaalam sa nagmamatiyag na albularya. Agad niyang pinatayo sa hila ang natatarantang si Cathy at saka lumabas sa kwarto na kasama ito. Ngunit nakalayo man sila roo'y hindi rin sila nakaligtas sa mga mata ng buong pamilya. Si Nanay Charito, si Madam Ramona, si Candy, Andrew at Paolo—iisa ang itsura ng mga itong nagulat sa halos pagtakbo na nila palabas. Sabay-sabay tuloy ang mga itong nagtanong.

"Aba—hoy, saan kayo pupunta?!"
"Cathy?"
"Apo!"
"Bossing!"

Pero para siyang binging walang naririnig. Ang alam lang niya ngayo'y kailangan niyang mailayo ang esposa't anak sa kadiliman na nakakubabaw sa bahay na ito, sa wirdong matanda, at sa tingin niyang kalokohan na pinagsasasabi nito tungkol sa kanyang nakaraan.

"Saan ka ba pupunta?!" Napahiyaw na si Cathy nang hindi pa siya bumibitaw.

Nasa kalsada na pala sila noon at ilang bahay-kubo narin ang layo sa lumang tahanan. Nagulat pa siya noong una habang hingal na nagpapalinga-linga ngunit hindi parin siya natitinag sa gustong gawin.

"Let's go abroad. Let's leave everything behind and forget all of this, yeah?" Sunud-sunod niyang sabi habang kapit na kapit sa balikat ng asawa.

"... Live the way we like without having to please people... or fate!"

"Mahal..."

"This is bullshit, Cathy. Bullshit!"

Tumalikod agad siya at namaywang habang nagsasalo sa katawan ang kaba't prustrasyon at galit.

"It doesn't make any sense..." bulalas niyang naguguluhan at kinakausap ang sarili. "Why is this happening?"

Sa kalagitnaan ng malakas niyang pagmumuni-muni'y biglang pumalibot ang mga braso ni Cathy sa kanyang baywang at ikinapit ang sarili sa kanyang likod. Noon nalang siya panandaliang tumigil. Natanggal kahit papaano ang pagkataranta niya ngunit balot parin ng galit ang kanyang mukha.

"Mahal... please..." wika ng babaeng pinapakalma siya.

"Why are you so calm?! Didn't you hear what she said?!"

Dito na niya narinig ang iyak ng katuwang na nagkikimkim. Sa gitna ng pagiintindi niya sa sariling poot ay nakalimutan niyang nahihirapan din pala ito sa sitwasyong kinasasangkutan nila.

"Natatakot din ako..." amin ni Cathy, "pero kung nagkakaganito ka, anong gusto mong gawin ko?!"

"... Hindi ko na alam kung anong paniniwalaan... mahal... I'm so scared."

Humarap tuloy siya't saka ikinulong sa mainit na yapos ang nagdadalamhating esposa. Humalik siya sa ulunan nito't sinalo ng mga bisig ang iyak na kumakawala.

Fated to Love You: BOOK 3 || Social Serye [FINALE]Where stories live. Discover now