Episode 11: The Beginning of a Curse (Part 5)

406 7 27
                                    

Kinabukasan.
Sa mansyon ng mga De León.

Hindi makali't hirap sa pagtitimpi si Arturo habang hinihintay sa bulwagan ng mansyon ang matalik na kaibigan. Pinagkatiwalaan niya ito't binilinan ng mga mensaheng sikreto ngunit hindi nito sinunod ang kanyang habilin. Hindi pa man tuloy siya nagsisimula'y nagkagulu-gulo na ang lahat. Ano ang nangyari at bakit pati ang kanyang ina'y napangaralan din siya?

Nagpakita na nga sa kanya si Consuelo na dahan-dahang naglalakad at hindi makatingin nang diretso. Alam nitong mainit ang kanyang ulo at hindi siya basta-basta matatahimik.

"Qué has hecho?" Tanong na niya nang walang paliguy-ligoy. "Ha, Consuelo?"

"Arturo... ella es una sirvienta. Qué dirá la gente cuando se enteren?" Katuwiran nitong mahina.

"No me importa. Ellos ya dictaron mi carrera. También dictarán mi corazón?"

"Piénsalo, por favor..."

Pinakatitigan lang niya si Consuelo habang kunot-noo itong nakamasid sa kanya. Naiintindihan naman niya kung saan nanggagaling ang punto nito pero hindi parin niya matanggap na ito pa ang unang magsasadlak sa kanya sa problema.

"Pinagkatiwalaan kita, Consuelo," nalulungkot niyang sabi.

"... Hindi na tayo mga bata na kailangang magsumbong palagi sa mga matatanda. May sarili na tayong mga isip. Isa lang ang ipinakiusap ko sa'yo... ibigay mo nang personal ang mga sulat ko. Kung mayroon kang hindi pagsangayon sa kaugnayan ko kay Klarissa, dapat sa akin ka unang nagsabi, hindi sa aking mamá."

Tumungo nalang ang dalaga't saka bumuntong-hininga. Pag-angat muli ng mga mata nito'y may lungkot din doon na ngayon lang niya napansin. Parang may mga salitang nagkukubli't hindi masabi.

Pero mas nanaig parin ang inis niya sa babae. Sa halip na makipagusap pa't tanungin ito'y lumakad na siya't tinalikuran si Consuelo. Hinagip naman nito ang ganyang braso kaya't sa gitla'y napalingon siyang muli.

"Porque te gusta ella?" Tanong ng kaibigan.

Nanahimik siyang sandali habang nakatingin sa lumbay ng mga pares nito. Hindi niya alam kung bakit ganito ito kalumo gayong sa pakiwari niya'y nasisiyahan ito dapat sa 'away-bata' nitong sinimulan.

"Porque es Klarissa."

Pinigtas niya ang pagkakarugtong ng kamay nito sa braso niya't saka niya tuluyang nilayasan si Consuelo. Masakit din sa kanya ang puwang na dulot ng alitan nilang magkaibigan ngunit mas masakit parin sa puso niya ang pagtatraydor nito.

* * *

* * *

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

* * *

Sa pasilyo sa labas ng silid-aklatan.

Tulalang nakatingin si Klarissa sa pintuan ng nakasarang silid-aklatan habang siya'y nagpupunas ng mga pigurin. Naroon sa loob ang mag-amang Miguel at Arturo at kasalukuyang nagdidiskusyunan. Hindi naman siya makalipat ng ibang pwesto dahil doon siya inatasan ng mayordoma na maglinis. Wala na tuloy siyang magawa kundi ang tahimik na isagawa ang kanyang tungkulin.

Fated to Love You: BOOK 3 || Social Serye [FINALE]Where stories live. Discover now