Episode 10: Red String (Part 2)

494 12 11
                                    

St. Luke's Hospital, Makati.

"Cathy..."

Nagdudumaling pumasok si Xander sa pribadong kwarto kung saa'y pansamantalang ipinuwesto si Cathy. Gising na ito ngayon at napapaligiran ng ilang mga panauhin kasama sila Dr. Davide at si Grayson. Agad naman siyang lumapit sa misis at dali-daling inalam ang lagay nito.

"What happened to you? Are you okay?" Kuwestiyon niya habang nakataban na sa kamay.

"Cathy and the baby are fine, Xander," sagot ni Dr. Davide. "But I've advised her to slow down her pace and take some rest. She's very tense lately."

"... I heard about what happened to the company. I don't know how this will affect things, but you gotta be careful. No one wants a repeat of the last time."

Nauwi tuloy sa buntong-hininga ang pagaalala niya. Humarap siya't tumango sa doktor sabay ng kanyang pasasalamat.

"Thanks for taking care of her so quickly," aniya sa tagapaggamot.

"Thank Grayson here," tugon naman nito sabay senyas sa katabi. "He's the one who brought her to the hospital."

"Oh, no, no... it's nothing," mabilis naman na sabi ng nakatayong lalaki habang umiiling pa.

"Well then... I'll leave you all for now. I'll check on Zion later," paalam na ng doktor sa kanilang pangkat matapos tingnan ang relo nito. Marahan itong tumapik sa balikat ng esposa saka nag-iwan ng paalala.

"... Cathy, please rest."

"Thank you po, Doc," tugon naman ng babae.

Nang makaalis si Dr. Davide at ang assistant nitong nurse ay nanaig ang katahimikan sa silid. Pakiwari niya'y nagpapakiramdaman silang tatlong naiwan at wala ni isa sa kanila na gustong magsimula ng usapan. Nakatingin siya kay Cathy, pero sa gilid ng mata niya'y hindi niya maiwasang pansinin ang presensiya ng dating karibal. Nakakaasiwa kasing magsalita't gumawa ng kahit anong hakbang lalo pa't nagmamatiyag din ito.

Nagitla tuloy siya nang maramdaman niya ang haplos ng misis sa kanyang braso.

"Kumusta na si Zion..."

Pero nakatingin parin si Grayson. Medyo nawawala tuloy siya sa konsentrasyon.

"Could you leave us for now, please? I'd like to talk to my wife in private," sabat na niya noong hindi na makatiis.

"Uh... yeah, sure," sagot tuloy ni Grayson na nag-aalangan.

"Sorry, I don't mean to be rude. Wait for me outside?"

Tumango nalang ang kausap at iniwanan narin sila ni Cathy sa pribadong ward.

Dito na lumabas ang kanina pa niyang ikinukubling pagkunot ng noo't pagkadismaya. Bumakas na sa mukha niya ang labis na pag-aalala kasama nang paunang hugot at paghahanda sa panenermon.

"Alam ko..." sabi agad ni Cathy na madaling nakahalata, "... Please... 'wag mo na 'ko pagalitan."

"Then what do you want me to do? Laugh?" Taas-tono ng boses niyang pinipilit umintindi. "All three of you are in the hospital... what do you want me to feel?"

"... You want me to die worrying?"

"Mahal..."

Agad niyang iniikot ang kanyang bisig sa babae't niyakap nito nang mahigpit. Bagama't malaki ang prustrasyon niya sa mga bagay-bagay ay mas higit pa sa kung anong init ng ulo ang pagmamahal niya rito. Responsibilidad niya bilang padre de pamilya ang kaligtasan nito't ng kanyang mga anak. Hindi tuloy niya maiwasang madismaya sa sarili kapag nakikita niyang napapahamak ang kahit sino sa mga ito.

Fated to Love You: BOOK 3 || Social Serye [FINALE]Where stories live. Discover now