Episode 15: Cursed Love (Part 5)

162 6 3
                                    

Marso 1844.

Naging bulung-bulungan sa buong Barrio Dalisay ang kuru-kurong pagdadalang-tao ni Klarissa na mabilis kumalat sa paligid. Kanya-kanya ang naging teorya ng mga chismosa na nakasaksi sa kanyang panghihina sa daan—ang ila'y sigurado na siya'y buntis, ang iba nama'y idinidiin na may malubha siyang karamdaman. Ngunit ano pa man ang iginigiit ng mga ito'y wala nang araw na nakalipas na hindi siya dumaraan sa mapanuring mata ng mga tao. Pati nga ang kanyang buong pamilya'y nadadamay narin sa nangyayari. Kitang-kita sa pakikitungo ng mga kapitbahay sa kanila ang dismaya sa kasalanang tingin ng mga ito'y ginawa niya.

Totoo, nagdadalang-tao nga siya. Tatlong buwan na pala ang nakakalipas simula nang magbunga ang minsang pakikipagtalik niya sa lalaking minahal niya. Laking gulat nalang din niya rito nang malaman ang kondisyon matapos siyang isugod ni Nanay Edna sa albularya sa Ilaya. Nanginginig siya noon sa takot. Mariin niyang ipinakiusap sa ina na huwag na muna ipaalam sa kanyang Tatay Krispin ang nangyari dahil tiyak na magwawala ito't susugod sa oras na sila'y mabisto.

Tatlong buwan na ngayon at unti-unti'y nahahalata na ang umbok sa kanyang tiyan. Hanggang ngayo'y nalilito parin ang kanyang puso sa kung ano ba ang dapat na ang maramdaman. Magtatatalon ba siya sa tuwa o magiiiyak sa kamalasan? Hindi parin niya alam. Tatlong buwan nang tahimik ang puso niya't bibig sa kung ano man ang totoong nilalaman nito. Wala na ang dating natural na ningning ng kanyang mga mata. Araw-araw na gumigising siya'y para siyang natutunaw na kandila na paliit nang paliit habang lumilipas ang panahon.

Pero iisa lang sana ang hinihiling niya, ang makakuha na ng panibagong trabaho upang matulungan niya ang kanyang mga magulang na bumubuhay sa kanilang magkakapatid. Hindi kasi sapat ang kinikita ng tatay niya sa bago nitong pinapasukan dahil hindi ito kasing laki ng operasyon ng mga Del Viñedo. Kung magtatagal pa na hindi siya makakahanap ay baka masaid ang kanilang kaunting ipon sa oras na magkasakit ang isa sa mga ito.

"Narinig ko po sa aking Inay na naghahanap kayo ng katulong dito sa panaderya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Narinig ko po sa aking Inay na naghahanap kayo ng katulong dito sa panaderya. Marunong po ako sa paggawa ng tinapay. Baka po maaari akong mamasukan sa inyo," subok niyang tanong sa mayari ng tinapayan na si Aling Maria na sinadya niya ngayong araw.

"Ay... mayroon na akong nakuhang panadero, nahuli ka na ng pagtatanong," sagot naman nito habang nagbabalot ng mainit na pan de suelo para sa isang bumibili.

"Ganoon po ba..." malungkot niyang imik, "... kahit... taga-linis lamang po ng inyong bahay? Masinop po ako sa gamit. Malinis po akong magtrabaho..."

"Mayroon na akong mga tagapagsilbi. Hindi ko kailangan ng panibagong katulong," balik-tugon naman ng ginang na hindi na siya pinapansin sa tingin.

"Lilinisin ko po kahit iyong mga hawla ng manok sa bakuran.... Pakiusap, kailangan ko lamang po talaga ng kaunting pangtustos..."

"Klarissa," kunot-noo na tuloy na titig ng matanda, "Ipagpaumahin mo ang aking sasabihin ngunit hindi talaga ako sang-ayon sa iyong pamamasukan. Sa palagay ko'y hindi mo magagampanan ang iyong tungkulin."

Fated to Love You: BOOK 3 || Social Serye [FINALE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon