Episode 18: I Choose You (Part 4)

206 6 3
                                    

Araw ng Kasal.
Del Viñedo Eco Farm.
Santa Catalina, Batangas.

Matapos magpa-pictorial nila Xander at ang kanyang mga groomsmen sa malawak na hardin ay dumiretso muna ulit ang mga ito sa silid-pahingahan. Malapit na kasi silang umuna patungo sa simbahan upang doo'y hintayin si Cathy at ang pangkat nito. Pagkaalis nila'y ang mga ito naman ang sasabak sa picture-an upang hindi sila magkasabay-sabay.

Ang totoo'y hindi pa sila nagkikitang mag-asawa magmula kagabi. Iginigiit kasi ng mga matatanda sa bayan ang lumang tradisyon—bawal daw magsama o magkita ang dalawang ikakasal hanggang sa sandali na mismong sila'y magiisang dibdib na. Nami-miss na tuloy niya ang esposa kahit isang gabi pa lang silang hindi magkatabi sa pagtulog.

Kakatungo pa lamang niya sa may salamin upang ayusin muli ang buhok nang bigla naman siyang lapitan ni Madam Ramona. Kasunod na nito sa likuran ang litratista at videographer na patuloy parin sa pagkuha sa kanila.

"Look at you, mi amorcito, you look so handsome," agad na wika ng namamanghang lola. "Oh... this is how I pictured your wedding day... glowing and full of love."

Humarap na tuloy siya rito na may ngiti sa labi saka lalong ibinida ang suot. "Do I look better than the last time?"

"Por siempre! Last time you didn't want to get out of bed!" Maliksing paalala nito sa kanya. "I had to force the two of you to show up at the wedding."

Natawa na tuloy siya nang tuluyan habang sinasariwa sa isip ang nangyari. Oo, naaalala pa niya. Akala talaga niya'y hindi matutuloy ang kasal na iyon. Utang din niya sa pursigido niyang lola ang mayabong na relasyon nila ngayon ng katuwang.

"Do you know what makes me happy right now, Abuela?" Ika niya na biglang nagseryoso.

Napatitig nalang tuloy ang matanda sa kanya na puno parin ng ligaya ang tingin.

"... Seeing you happy. Because... what I did in the past, I did for you. And what I'll be doing today, I'll also be dedicating to you. I promise, when the ceremony is over, your big smile will be the first one I'll look for."

Humawak sa magkabila niyang pisngi ang mangiyak-ngiyak na ginang bago ito tuluyang yumakap sa kanya. Tinanggap naman niya iyon nang buung-buo't pinalibutan ng mahigpit na yapos ang donya.

"I love you, my little Alexander," mahinang sambit ni Madam Ramona.

"I love you too, mi Abuelita."

Nais pa sana niyang namnamin ang mahalagang sandaling iyon ngunit minsa'y hindi niya maiwasang mailang lalo pa't panay parin ang rolyo ng kamera na nanonood sa mga galaw nila.

Napatigil lamang ang lahat nang biglang may kumatok doon sa pintuan. Agad naman iyong binuksan ng isa sa mga katiwala na nandoon at doon nga'y bumungad ang naka-gown na si Candy.

"Nandyan ba si Xander?" Tanong nito sa lalaking assistant nang hindi agad siya mapansin.

"Come in, Ate," wika naman niya sabay pabukas sa pinto nang tuluyan.

"Hi," mahinhin pang bati ng nakatatanda noong una saka biglang nagulat sa itsura niya. "Wow, naks! Ang pogi ah! Parang rarampa ang mowdel ng magazine!"

Natawa tuloy siya sa kumento nito't medyo nahiya pa't sa lola na ulit tumingin.

"Ay, regalo pala ni Cathy for you," imik din ni Candy na hindi na nagatubili't iniabot na sa kanya ang dala.

"Thank you," tugon naman niya habang tinatanggap ito. "I sent Paolo to Cathy's room too, baka makasalubong mo siya."

"Ah talaga? Oh sige, balikan ko na sila ha? Magpi-picture-picture pa daw kami eh!"

Fated to Love You: BOOK 3 || Social Serye [FINALE]Where stories live. Discover now