Episode 1: Home is Where the Heart is (Part 5)

1.8K 29 0
                                    

Santos Residence, Santa Catalina, Batangas, 3:25 pm.

"Hindi ba kayo dito sa Santa Catalina magpapalipas ng gabi?" Tanong ni Nanay Charito sa mag-asawang Xander at Cathy na kasamang naghihintay ng meryenda sa salas.

"Hindi na ho, 'nay. May work pa po si Xander bukas eh kaya luluwas din kami mamaya," tugon naman agad ni Cathy sa ina.

"Bakit ang bilis naman? Halos isang araw lang kayong bumisita ah?" Kunot-noong kuwestiyon nito.

"Eh... tutulong nga po sana akong mag-ayos ng gamit kaso may lalakarin po ako bukas. Promise po tatagalan namin next time. Kapag naka-settle in na kami nang mas maayos sa bahay, bibisita ulit kami."

Kasalukuyan namang lumalabas mula sa kusina si Candy at Andrew na may dalang iba't ibang klase ng suman at kalamayhati. Inihain nila iyon sa mesa na iniipod sa may salas para sama-sama nila itong mapagsaluhan. Napapalakpak tuloy si Cathy sa tuwa. Miss na miss na kasi niya ang ganitong mga pagkain mula dito sa bayan niyang sinilangan. Iba parin talaga ang pagkaing Pinoy na nakalakihan bagamat naging paborito narin naman niya ang lutong Koreano.

"Oh my god, na-miss ko 'to ng sobra!" Usal niya na tumayo't tumulong sa paglalabas ng mga platito. "Bibingkang pinipig nalang talaga, kumpleto na ang araw ko!"

"Aba, siyempre, hindi tayo mawawalan niyan," entra naman ni Carmella na nagpaluto pa pala ng kakanin sa nagtitindang kapitbahay. "O, special delivery!"

Parang piyesta tuloy sa saya ang loob ng matandang bahay ng mga Santos na kasalukuyang inililipat ni Xander sa pangalan ng biyenan. Unang beses kasi nila sa mahabang panahon na nagkasama-sama sa bahay na iyon kaya't napakaespesyal din talaga ng araw na ito. Ngayon lang din nabuo ang magkakapatid at bumisita ng kumpleto ang pamilya nila na kasama pa ang mga asawa't anak. Bakas tuloy sa mukha ni Nanay Charito ang labis na kaligayahan sa nakikita.

"Kung nabubuhay lang talaga ang tatay niyo, ano? Sigurado ako, masayang-masaya siya at proud na proud sa inyo," wika ng nanay na bumuntong-hininga habang nakamasid sa mga anak.

"Nako, nako, si Nanay talaga... nami-miss na naman si Tatay. 'Wag na kasi kayong malungkot diyan, love kayo no'n. Mamaya hintayin niyo, dadalawin kayo no'n sa gabi," biro ng pinakamatandang anak na si Candy.

"Ay, nako! Tumigil ka nga! 'Wag ka ngang nagsasalita ng ganyan!" Saway naman nito na tigas ng kaiiling. Napahagikgik nalang tuloy ang magkakapatid habang hinahainan ang nanay ng pagkain.

"Oist! Bunso, 'yong promise mo sa'kin na sasamahan mo 'ko do'n sa class ni Dr. Davide ha?" Baling naman agad ng ate kay Cathy na tumitikim na noon sa inihaing bibingka.

"Mmm... oo naman... sa Tuesday," tango niyang ngumuya-nguya pa. "Aayusin ko muna 'yong enrollment ni Zion sa school."

"Can you handle that on your own? Why don't you get someone to come with you tomorrow?" Sabat naman ni Xander na pinanonood sila mula sa upuan.

Ikinuha muna niya ng hati sa kakanin ang mister at pinagtimpla ito ng kapeng mainit bago ito balikan sa sofa.

"Kaya na namin ni Zion 'yon," sagot naman niya sa nangunguwestiyon nitong titig habang ibinibigay ang mga dala.

"... Okay, Papa? Don't worry," sabi pa niya sa pagtabi rito.

"Sasamahan sana kita bunso eh, kaso wala namang kasama si Nanay dito. Ang dami pang aayusin sa mga gamit do'n sa labas," imik naman ni Carmella na pumuwesto sa gilid ng matanda pagkakuha ng sariling meryenda.

Humalukipkip tuloy si Nanay Charito at taas-kilay na hinarap ang pangalawa, "Ano namang tingin niyo sa'kin, alagain? Maaayos ko 'yang lahat kahit ako lang mag-isa!"

Fated to Love You: BOOK 3 || Social Serye [FINALE]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora