Episode 10: Red String (Part 5)

379 12 19
                                    

Del Viñedo Eco Farm

"Oh... anong nangyari sa inyo? Bakit ang tagal niyo?"

Nagmamadaling umalalay kay Cathy ang ina niyang si Charito habang nakakapit din sa baywang at kamay ang asawa na si Xander. Medyo nanlalata pa siya't hindi pa buo ang lakas mula nang sumakit na naman ang kanyang tiyan sa daan. Gusto na nga sana siyang dalhin ng mister sa ospital, ang kaso'y pinigilan naman niya ito't alam niyang pahinga lang ang katapat ng kanyang problema. Kailangan lang talaga niyang tumigil sa kakagalaw kahit isang araw.

"Mama?" Nag-aalala namang salubong ni Zion mula roon sa terrace.

"I'm okay, anak..." panigurado niya rito sabay haplos sa mukha ng bata. "We're okay ni baby. Don't worry."

"Dito... dito... paupuin mo dito..." utos agad ni Nanay Charito sa manugang nang makaakyat sa hagdan ng terrace at marating ang tumba-tumba sa harapan.

"I'll get you some water, okay?" Sabi naman ni Xander matapos siyang maupo at bago siya iwan sa mag-lola.

Sa pagmamadali ng asawa'y nang makasalubong nito si Candy na may dalang bilao ng biko ay muntik na nito itong mabangga. Buti na lamang at mabilis na nakaiwas ang lalaki't nabigyan naman ng espasyo ang hipag sa paglabas.

"Anyare do'n? Tense na tense," nagugulumihanang tanong ng kapatid sa kanya. "Teka, okay ka lang, sis?"

"I'm fine..." buntong-hininga naman niyang sagot.

"Sigurado ka ba, Cathy? Magpa-ospital ka na kaya? Ano ba naman yang paulit-ulit na sakit na 'yan?" Pilit paring usisa ng nanay sa kanya.

"Kailangan ko lang ho magpahinga..."

"Sis, napapadalas, promise," imik ng ate na tumitikim na ng biko na dala.

Pumagitna naman agad ang batang lalaki sa kanyang mga binti't nais sana magpakarga sa tumba-tumba ngunit sa halip ay yumakap nalang ito sa tiyan niya. Napangiti tuloy siya nang bahagya sa gitna ng panlalata. Haplus-haplos niya ang buhok ng anak na naglalambing sa halik sa umbok niyang lumalaki.

"Hindi kaya delikado yang pagbubuntis mo? Baka may komplikasyon?" Patuloy namang siyasat ni Candy na nakapamaywang na sa kanyang gilid.

"Wala naman silang nakita no'ng na-ospital ako eh. Edi sana may sinabi sila, diba?" Depensa parin niya sa kondisyon.

"Eh, bakit nga ganyan?"

"Ba't di ka magpatingin do'n sa albularya sa ilaya? Baka nauusog ka na," agad namang suhestiyon ni Nanay Charito na nakikinig.

"Nay... 'wag na po kayo naniniwala sa gano'n. Di po totoo 'yon," kontra kaagad niya sa ina sabay hilot sa ulo.

"Aba! Totoo 'yan! Naipapaliwanag ba ng mga doktor ang kulam? Mga lamang lupa, nuno sa punso, kapre, duwende? Tunay 'yang mga iyan! Nandito ka narin lang, magpatingin ka na."

"Nanay..."

"Ay, tumigil ka na sa kakasagot, Cathy!" Saway ng ginang na napahiyaw na. "Sumunod ka na lang!"

"... Bantayan mo 'yang kapatid mo, Candida, at tatawagin ko lang si Madam at si Xander."

* * *

Handa na sana si Xander na ilabas sa kusina ang baso ng tubig na kinuha nang bigla nalang niyang makasalubong ang lola na tila siya rin naman ang pakay.

"Xander," tawag nitong inabot agad ang kanyang braso, "kanina pa namin kayo hinihintay—"

"Lola..." pigil naman muna niya sabay bitaw ng baso sa counter.

Fated to Love You: BOOK 3 || Social Serye [FINALE]Where stories live. Discover now