Episode 18: I Choose You (Part 2)

206 8 5
                                    

The Week Before the Wedding.

VIDEO CALL:
Candy 📱 Cathy

CATHY: (Ipinatong muna ang cellphone sa ibabaw ng mesa saka kumuha ng malinis na bote) Ate?

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.

CATHY: (Ipinatong muna ang cellphone sa ibabaw ng mesa saka kumuha ng malinis na bote) Ate?

CANDY: Hi, sis! Ay, busy?

CATHY: Hindi. Pinagtitimpla ko lang si Zia ng gatas. Ba't napatawag ka?

CANDY: Eh kasi may gusto ako ipakita sa'yo! Nakikita mo ba 'tong nasa likod ko? (Ipinasilip ang mahahabang banderitas na nakasabit sa daan papuntang simbahan)

CATHY: (Nagtatakang napatitig sa screen) Ano 'yan? Hindi pa naman fiesta ah?

CANDY: Ayon nga! Parang fiesta narin dito dahil sa colorful banderitas! Si Mayor mismo ang nagpalagay niyan para sa kasal niyo ni Xander. Pa-congrats daw ng buong bayan ng Santa Catalina.

CATHY: Hala, parang sobra naman yata 'yan... nakakahiya naman na nag-abala pa sila...

CANDY: Mm, pa-humble pa. Okay lang 'yan! Generous donors naman kayo dito sa'tin kaya siyempre napamahal na ang mga tao sa inyo. Feeling ko nga kapag pumasok kayo ni Xander sa pulitika, mananalo kayo eh!

CATHY: (Natawa't iling tuloy) Nako, ayoko nga! Tama na 'yong stress ko paminsan-minsan sa DVG. Pero wow ha, nakaka-touch naman. Nakita na ni Inay?

CANDY: Oo, yun pa! Narine nga at dumadaldal pa kay Ate Mercy. Teka... hahanapin ko. (Naglakad muna saglit habang payugyug-yugyog na ang video) 'Nay? 'Nay! Pumarine muna ho kayo't naka-video call si Cathy!

[N. CHARITO: (sa background) Si Cathy? Saglit—hoy, Mercy 'wag mong kakalimutan yong mga palayok! Teka, asaan na si bunso!]

CANDY: (pinanonood ang inang nagdudumali) Ayan na, pandalas eh... tuwang-tuwa si Mother Earth.

(Ibinigay ni Candy kay Nanay Charito ang telepono)

N. CHARITO: Bunso! Ano nakita mo na ang sorpresa?

[CANDY: (sa background) 'Nay, hindi na ho sorpresa 'yon at nasilip na!]

CATHY: (Natawa naman) Opo, 'Nay. Ang ganda po, thank you! Bagay sa theme namin na Filipiniana. Thank you sa inyong lahat na gumawa. Matutuwa niyan si Xander.

N. CHARITO: Nasaan na nga pala si Xander? Ba't hindi mo puntahan at nang maipakita mo?

CATHY: Eh... nando'n ho sa kwarto namin kasama ng mga bata. Picture-an niyo nalang tapos ipapakita ko mamaya.

N. CHARITO: Ay siya, ganoon ba... teka kailan na ba ang uwi niyo dito sa Batangas? Marami pa kayong aayusin ah?

CATHY: Kaya nga po eh.... Si Marti parating palang ngayon galing South Korea. Tapos ayun may plano pa daw na surprise. Ewan ko ba sa mga 'yon! Pero good news, dumating na po 'yong gown ko. (Abot-tainga ang ngiti)

Fated to Love You: BOOK 3 || Social Serye [FINALE]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora