Episode 18: I Choose You (Part 5)

231 6 2
                                    

* * *

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

* * *

* * *

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

* * *

Hacienda de las Rosas Silvestres.
Present Day.

Hindi na nga kataka-taka kung sasabihing nakiisa ang buong Santa Catalina sa selebrasyon ng kasal nila Cathy at Xander dahil sa dami ng tao sa daan. Nagmistulan tuloy parada ng fiesta ang paglalakbay nila patungo sa handaan sa hacienda. Kahit mula sa mga balkonahe'y kumakaway ang mga kababayan upang bumati. Totoo nga yatang sobrang minahal narin ng lugar ang kasalukuyang pamilya Del Viñedo, taliwas sa naging masalimuot nilang nakaraan.

Pagdating ng kanilang puting makalumang sasakyan sa batong arko ay kitang-kita agad ang pangalan nitong gawa na ngayon sa makinang na bakal:

HACIENDA DE LAS ROSAS SILVESTRES
de las familias Del Viñedo y Santos

Ibinukas agad ang gate para sa kanila na dekorado noon ng mga bulaklak upang pormal na igiya ang mag-asawa sa inayos at pinagandang lumang mansyon. Si Xander na ata ang pinakanananabik sa lahat. Panay kasi ang silip nito sa bintana kahit papasok pa lamang noon ang kotse.

Pagdating sa dulo ng driveway ay ipinarada ng driver sa harap ng magarbong tahanan ang kanilang bridal car. Agad naman silang inalalayan ng kasamang coordinator na pinagbuksan sila ng pintuan. Nang mapagmasdan na nila sa kauna-unahang pagkakataon ang bagong itsura ng mansyon ay parehas silang napanganga.

"Wow..." imik ng nalulugod na si Xander habang nakatingala. "Wow..."

Napatango lang din si Cathy na sumangayon din sa pagka-speechless ng lalaki. Lalo kasing pumusyaw ang luntiang mga baging sa harap ng bahay at nagsilabasan ang mga rosas na nagpakulay sa dingding. Nagmukhang bago rin ang mga kahoy na pinalinis at pinakintab at ang mga bintanang capiz na inayos din.

Nang sinilip naman ni Cathy ang reaksyon ng tahimik niyang mister ay nakita niya sa mukha nito ang saya at kapayapaan.

"Natupad na ba 'yong wish mo?" Sambit na tuloy niya habang hinahaplos ang braso nito.

Fated to Love You: BOOK 3 || Social Serye [FINALE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon