Episode 2: Alta Sociedad de Manila (Part 5)

1.7K 46 9
                                    

"So, we've finally met THE Mrs. del Viñedo."

"Another member of the Real Housewives of Manila!"

Nagkahagikgikan muna ang dalawang business socialites na lumapit kay Cathy bago bumati ang mga ito at bumeso.

Kasalukuyan kasi silang nakatayo ni Zion malapit sa entablado habang hinihintay si Xander. Nagpaalam muna ang asawa saglit nang abisuhan ng isa sa mga empleyado ukol sa isang importanteng tawag. Hindi pa tuloy sila nakakalayo sa harapan ay nagkumpol na ang mga nais magpakilala sa kanilang mag-ina.

"Monique Lou Vega, my family co-owns the Vega-Harrison Hotel chain in Manila and Singapore," wika agad ng unang bumati.

"Portia Montecillo, food biz extraordinaire," nagmamalaki ring sagot ng ikalawa. "Started a food truck business in 2015, pero ngayon, multimillion company na with lots of branches all over the country."

"Congratulations, that's amazing," aniyang may tango habang kumakamay sa kausap. "Thank you so much for coming."

"Don't be a stranger, ha? Our hubbies were friends in college. Si Tommy ko, si Erwan niya, at si Xander mo," paliwanag ni Monique sa koneksyon nilang tatlo. "So, I hope we can get to know each other more, too. Diba, 'miga?"

"I just really want to say..." kibo naman ni Portia na ikinalabit agad sa kanya ang de-gwantes na kamay, "... you and Xander make a beautiful couple."

"... When I saw you together on stage, oh my god, my heart skipped a beat! I felt so giddy! Para bang... it's the end of a beautiful story, diba?"

"So true!" Sang-ayon agad ni Mrs. Vega sabay kalabit din sa balikat niya. Aakalain mong matagal na siyang kilala ng mga ito sa pag-asta at pagkakumportable sa kilos.

"... Eh, bakit naman kasi ngayon lang? You two are the power couple we've been waiting for! Something to add spark to the business society. Enough with the strict and boring, right? We need a millennial approach. Fearless love... you-and-me-against-the-world type of thing... perfect! Para bang 'yong sikat na loveteam ngayon."

"DongYan?" Kuwestiyon agad ng foodie tycoon.

"KathReid, girl, keep up!" Pagtatama naman ni Monique. "They're the endorsers of our newly launched Makati location and the ROI is excellent."

"Talaga? ... Oh, I want to consider! Connect me kaya?"

Napapangiti nalang siya sa panonood sa dalawang nagdadaldalang businesswoman ukol sa usaping negosyo. Akala pa nga niya'y matatagalan ito kaya't inusisa muna niya si Zion na nananahimik naman at nagmamasid sa mga tao. Maya-maya pa'y bigla nalang itong tumakbo. Magpapaalam na muna sana siya upang sundan ang anak ngunit pinigilan narin naman niya ang sarili nang makita kung saan ito patungo. Pupuntahan pala nito ang sumesenyas na ama na nakatayo malapit doon sa buffet area.

"My sister-in-law is the editor-in-chief of Time Asia, what do think... let's get you and Xander on the front page for next week, yes?" Salita't kalabit na naman ng hotel heiress kaya't muli siyang napalingon.

"Nako, calm down, amiga," paalala ng kasama. "Don't overwhelm her, 'no. She just came back. We'll fully integrate her sa circle natin soon, don't worry."

"But it's the perfect timing! Cathy, consider?"

"Uhm..." bukambibig lang niya habang nagiisip. Sa totoo lang ay medyo naglakbay narin ang kanyang utak at hindi na masyadong nakikinig sa sinasabi ng magkaibigan.

"... siguro... pag-iisipan ko muna, ha? I still need to talk to Xander about it... but thank you for the offer."

"Alright..." usal ng nag-alok na bahagyang nadismaya sa hindi kaagad niyang pagsangayon. "But we'll talk, okay? Very soon, you keep in touch! I'll be expecting you sa monthly meet-ups. Bring your baby boy so he can meet our kids, too. Hmm? Para dumami narin ang friends niya."

Fated to Love You: BOOK 3 || Social Serye [FINALE]Where stories live. Discover now