Episode 13: Yo También Te Amo (Part 4)

193 5 24
                                    

Kinabukasan.

Maagang inutusan ng mayordoma si Klarissa na tumulong sa paghahanda ng umagahan ng mga bisita. Iniatas din nito sa kanya ang pagdadala ng pagkain sa kwarto ng dalagang ipinagkasundo kay Arturo ng mga magulang. Ngayon na lamang ulit niya makakasalamuha ito matapos ang pista kahapon kung saa'y una silang nagkita. Hindi tuloy siya mapalagay. Kung noong una'y magaan pa ang loob niya sa babaeng tagapagtanggol, ngayon nama'y napalitan na ito ng bigat, hiya't kaunting pagseselos. Paano nga ba niya pagsisilbihan ang babaeng nakatakdang umagaw sa lalaking mahal niya?

Kinatok niya nang ilang beses ang pinto ng silid upang gisingin si Señorita Felicidad. Sakto namang pa-salita na sana siya nang bigla nitong binuksan ang pintuan.

"Buenos días, señorita," bati niya sa binibining nakasuot pa ng bistidang pantulog sa ilalim ng balabal.

"Buenos día—sandali..." gulat na sambit ng bisita. "Hindi ba't ikaw si Klarissa na nasa pista kahapon?"

Agad niyang itinungo ang kanyang mukha at saka lumakad patungo sa mesa sa may bukas na bintana. Dinala niya roon ang kumpol ng umagahan na karga-karga at saka sinimulang lagyan ng gatas ang tasa.

"Nagkakamali po kayo. Wala po ako sa pista kahapon."

"Pero... sigurado ako.... Wala ka ba talaga roon?" Kuwestiyon parin nito matapos na isara ang pintuan at siya'y sundan.

Inilingan naman niya ang dalaga at hindi na muling umimik pa. Tahimik din niyang tinapos ang ginagawa hanggang sa mailatag na niya pati ang mga tinapay at palaman.

Maya-maya pa'y bigla silang nakarinig ng katok sa pinto na sinundan agad ng malagong na boses ng isang lalaki. Napatindig tuloy siya nang husto sa kinalalagyan. Kilala kasi niya kung sino ito't labis ding kinatatakutan. Dali-dali'y dinala siya ng kanyang mga paa sa kanto ng kwarto at doo'y ipinuwesto ang sarili upang makaiwas sakaling pumasok sa silid ang Cabeza de Barangay.

"Felicidad, esta despierta?" Wika ni Don Miguel sa likod ng harang.

"Ah... sí, Señor. Espere por favor."

Habang siya'y nagkukunwari sa paglilinis sa aparador ay tumikhim si Felicidad upang kunin ang kanyang atensyon. Lumingon tuloy siya rito't nakita na iginigiya nito ang daliri tungo sa entrada. Ah, ano bang ginagawa niya?! Muntik na niyang makalimutan na siya ang dapat nagsisilbi sa kanilang panauhin.

Pagbukas niya ng pinto ay laking gulat nalang niya nang hindi lamang si Don Miguel ang makita sa labas kundi pati si Arturo na katabi ng ama nito. Kung anong ikinalaki ng kanyang mga mata'y gayun din ang pagkabigla ng nobyo na hindi ata siya inaasahang makasalamuha sa nasabing kwarto. Ngunit bago pa man ito makaporma ng salita ay sinimulan agad na kausapin ng cabeza ang señorita.

"Perdónanos por entrometernos, pero Arturo está aquí para desayunar contigo. Está bien?"

Nagulat si Felicidad sa alok na iyon ni Don Miguel. Nahiya pa nga ito noong una ngunit unti-unti narin itong nagpaunlak.

"Por qué tengo que molestar a la señorita durante su desayuno? Esto no es correcto, Papá!" Tutol na tuloy ni Arturo sa ipinapagawa ng ama.

"Deja de cuestionarme!"

Halos ipagtulakan na ng tatay ang nagiisa nitong supling sa kwarto bago nito muling binati ang dilag ng pamamaalam. At sa pag-alis naman nito'y kumalabog ang pinto kaya't lahat sila'y napaigkas sa gulat.

Hindi nga nagtagal ay unti-unti na nilang naramdaman ang pangingibabaw ng katahimikang agad lumibot sa silid. Nakakailang, nakakabingi. Sumulyap muna sa kanya si Arturo bago ito tumingin sa nakaupong si Felicidad na tila balot parin ng hiya sa presensiya ng mapapangasawa.

Fated to Love You: BOOK 3 || Social Serye [FINALE]Where stories live. Discover now