Episode 11: The Beginning of a Curse (Part 2)

304 8 12
                                    

(A/N: Tagalog/English translations for Spanish dialogs will be posted in the comments section. 😊)

* * *

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

* * *

Hardin

Kinaumagaha'y agad na inutusan ng mayordoma si Klarissa na mamitas ng mga rosas para sa ilang sisidlan sa loob ng kwarto ni Doña Ana. Masigla naman siyang sumunod dahil nais din niyang makagala sa malaking hardin ng hacienda. Makalanghap man lang doon ng sariwang hangin. Napagod din kasi siya sa paglilinis na ginawa kahapon.

Habang namimili siya mula sa mga yabong ng bulaklak na nakahilera ay bigla nalang siyang nakarinig ng munting baswit. Napakunot tuloy ang kanyang noo't sinundan ang lugar na pinanggagalingan noon.

"Psst..." simulang muli ng tunog.

Sinubukan niyang sumilip sa maliliit na espasyo sa pagitan ng mga kumpol ng dahon ngunit tila hindi rito nagtatago ang bubuwit na tinig.

"Psst!" ulit nito mula sa likod ng kalapit na puno. "Ate!"

"Pedring?" Hula na ni Klarissa nang maulinigan ang pamilyar na tawag.

Doon na nga nagpakita sa kanya ang pinakabunso niyang kapatid na nanlilimahid ang tsinelas sa alikabok. Pati mukha nito'y may bahid pa ng naninigas na putik sa parehong pisngi. Agad tuloy niya itong pinalapit at saka pinagpag ang marumi nitong damit.

"... Anong ginagawa mo dito?"

"Dinadalaw kita."

"Ano?!" Kunot-noo niyang tugon. "Ikaw, Pedring, ha! Bakit ka lumalayas sa bahay na mag-isa? Paano kung mapahamak ka?"

"Ate Issang, malaki na po ako. Kaunti nalang pong taon at ako'y binata na! Kaya ko na maglakbay mag-isa!" Bida naman ng munting bata sa sarili.

"Ah, ganoon? Binata pala ha..."

Piningut-pingot niya nang pabiro ang tainga't ilong ng kapatid at saka ito kiniliti sa baywang. Panay tuloy ang bungisngis nito't iwas sa magaslaw niyang mga kamay.

"Pumarito ka ba talaga na mag-isa?" Muli niyang kuwestiyon sa bunso.

Umiling naman ito nang nakangiti. "Nariyan lang sa labasan ang aking mga kalaro. Isinakay kami ni Kakang Imong doon sa paragos. Eh... natigil kami kasi nainom pa ang kalabaw."

Napangiti't iling tuloy si Klarissa sa pagkukwento ng kapatid. Sa isang banda'y masaya narin siya sa muli nilang pagkikitang dalawa. Sa gayong lagay kasi'y kahit papaano'y naiibsan ang kanyang pangungulila sa kanyang ina't mga kapatid.

"S'ya... bumalik ka na roon at baka mahuli ka ng mayordoma."

Tumango naman si Pedring at agad nakaintindi.

"Ay, sandali lamang, bago ka umalis..." pigil muna niya sabay hugot ng tuping papel mula sa kanyang bulsa.

"... Heto... sulat ko ito para kay Inay. Ibigay mo ito sa kanya, maaari ba? Huwag mo itong iwawala."

Fated to Love You: BOOK 3 || Social Serye [FINALE]Where stories live. Discover now