"You okay?" tanong ni Eos habang nakatayo lang siya at hinahangin 'yung buhok at damit niya pero hindi siya natitinag doon sa pwesto niya.

"Yeah."

Tinanggal ko 'yung kutsilyo sa pagkakatusok sa sahig at pumunta agad ako doon sa spot kung saan hindi nafoform 'yung wind currents sa pamaypay ni Rae—which is sa likuran ni Eos. Mukhang may sarili rin siyang wind system.

Napansin ko naman na may pasimpleng sumugod sa left side namin kaya binato ko kaagad 'yung knives ko sa kanila. I hit their arms and they writhed in pain. I willed my knives to freeze themselves into their muscles and I felt them obliged. Hinatak ko 'yung threads ng knives ko at hindi sila natanggal doon sa mga braso ng dalawang lalaki. I dragged them towards me using my knives.

Bigla naman akong may narinig na ingay sa right side ko kaya napatingin ako and I saw three guys running to my direction. I was about to pull my knives pero natigilan ako dahil hindi na pala kailangan. Eos thrust his double-headed spear in front at kahit dalawang metro pa yata ang layo nung tatlo sa amin ay tumilapon na sila at naramdaman ko 'yung violent wind na kumawala sa tip ng spear niya. Bago pa ako maabot ng hangin ay hinatak ko 'yung strings ng knives ko at inikot ko 'yun kung nasaan 'yung center ng hangin. Kaya imbes na ako ang tamaan ay sila ang nagpaikut-ikot doon. Agad ko ring nirecover ang knives ko at umiwas ako sa place na 'yun.

"Dude, that was dangerous," sabi ko kay Eos at sinamaan ko siya ng tingin. Ganyan ba silang lahat? Pati kanina, muntik na akong lumipad dahil sa Squall na 'yun. Wala man lang pasabi na ganun pala ang epekto ng attacks nila!

"Sorry. But you did well...evading those winds and all."

"Of course," saka ako tumalikod. Mas malala naman ang pag-evade sa attacks ni Gramps dati kaysa sa winds nila. Kay Gramps, para kaming umiiwas sa sunud-sunod na cannonballs.

Napatingin naman ako kina Miles at Rae na pinagtutulungan 'yung limang gang members. Habang hinahampas ni Rae 'yung fans niya ay lumulutang at naa-out of balance sila and during that time ay babarilin sila ni Miles. They defeated them instantly.

"They're a good combo," sabi ni Eos at nakatingin na rin pala siya doon sa dalawa.

"In aerial battles, yes."

After another fight ay halos wala nang natira dito sa side namin. Pagtingin ko doon sa side nina Gust at Gemma, parang may miniature storm na nabubuo dahil sa pagwield nila ng swords nila. Sa side naman nina Krystal at nung iba pa ay may frozen people at may ibang lumilipad sa ere. Puro sigawan ang naririnig ko sa bawat sulok. Papalapit na sana kami sa kanila pero natigilan kami nung biglang nawala 'yung harang sa arena.

"One hour is up!" sabi doon sa speaker.

May mga pumasok na mga naka-black sa arena at isa-isa nilang kinuha ang mga bumagsak at injured people. Then lahat ng nakaligtas sa carnage ay pinapunta doon sa isang pintuan sa dulo ng arena. Habang naglalakad ako ay doon ko lang nafeel 'yung pagod sa pakikipaglaban. Hindi ko napansin na tumagal ng one hour 'yung labanan.

"So every round, may time limit. At kung sino ang makasurvive within that time ay makakapasok sa next round. Am I right?" tanong agad ni Gemma habang umaakyat kami sa hagdan. I guess ito ang daan papunta sa bleachers sa itaas.

"Yeah, and we'll go to the next round," sabi naman ni Gust na ngayon ay binabalot ang sword niya sa tela.

"Next round! Here are they! North and West Black Divisions!"

Saktong paglabas namin doon sa itaas ay may mga nakita akong tumalon mula doon sa mga upuan nila papunta sa arena. 'Yung iba ay tumakbo papunta doon sa kabilang stairway habang sumisigaw.

Tsk. They are barbaric.

Umupo agad kami doon sa may bandang gitna kasama ang Phantom Breeze at inayos namin ang weapons namin. Chineck ko 'yung knives ko at puro dugo 'yung dulo nun pati na rin 'yung string. Napatingin agad ako kay Krystal at mukhang alam na niya agad ang sasabihin ko.

"Fine," sabi niya tapos hinawakan niya 'yung mga kutsilyo ko at unti-unting nagfreeze 'yung bloodstains doon hanggang sa naging red crystals sila.

"Thanks."

Mas madali kasi silang tanggalin kapag nagsolidify sila. Nung natapos na ako sa pagtanggal ng crystals ay tumingin na ako sa ibaba at bigla akong kinabahan. Ganito pala ang itsura ng laban ng mga may attributes mula sa spectator's point of view.

"That's the Aquarius. They have Water attributes," sabi ni Gust.

Napatingin ako kay Miles at seryoso 'yung panonood niya. May lalaki kasi doon sa baba na may hawak na baril...and he's firing water bullets. Kahit na medyo malayo kami ay nakikita namin 'yung bullets niya. Unlike Miles' bullets, liquid 'yung sa kanya pero nareretain 'yung spherical shape nito hangga't hindi pa tumatama sa target.

Sa left side naman ay parang nagkaroon ng earthquake dahil nagcrack 'yung sahig at may lumabas na mound of solid ground.

"They are Earth attribute users—the Underworld," dagdag ni Squall.

"At sila? I bet they have Lightning attributes," sabay turo ko doon sa right side kung saan may nakita akong flash of lightning.

"Yes, at hindi sila mapapagkatiwalaan," sagot ni Gust.

"Bakit?" tanong naman ni Gemma.

"Because they are allied with Flame Spectre. And Rogue, their leader, is the worst criminal in West Black."

***

Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop FictionWhere stories live. Discover now