"KILL THEM!"

"Patayin niyo ang mga babaeng 'yan!"

Kung pwede lang talagang sugurin ang mga nanonood ay kanina ko pa ginawa pero may certain rule na bawal 'yun gawin. We are only allowed to fight the ones inside the arena.

'Tatandaan ko mga pagmumukha nila. Lagot sila sa akin pagkatapos nito,' rinig kong sabi ni Ash sa isip ko.

'Wag silang makapunta-punta sa East Black! Ibibitin ko silang lahat!'

'At kapag binitin mo sila, gagawin ko silang target sa shooting practice ko.'

Napatingin kami nina Krystal at Ash doon sa dalawang Nene at mukhang nagulat din sila sa nangyari. Last time ay nakakarinig lang sila ng boses sa isip nila pero ngayon kaya na rin nilang makipagcommunicate. Natawa nga ako sa reactions nila dahil para silang nakakita ng multo at hindi makapaniwala sa nangyari.

"Oh my God, ang creepy nun!" sabi ni Kelsey habang nakahawak siya sa ulo niya.

"Mas scary pa kay Scarysta—I mean Leader," dagdag naman ni Miles at palihim na tumingin kay Krystal.

Napatigil naman kami sa pag-uusap nung sabay-sabay na sumugod 'yung mga lalaki sa amin. Papalibot na sana kami kay Krystal pero bigla siyang nagsalita.

"Let me do this."

Pagkasabi niya nun ay kinilabutan ako dahil seryosong-seryoso 'yung tono niya to the point na parang nakakafreeze din 'yung boses niya. Napaatras kaming apat.

"Don't you dare underestimate our gang, weaklings."

What happened next seems to be impossible. After two steps ay nagfreeze 'yung tinatapakan niya at kumalat 'yun sa direksyon nung mga sumugod sa amin. Hindi visible 'yung ice pero alam kong frozen na ang ilalim ng paa at mga sapatos nila kaya hindi sila makagalaw sa pwesto nila. Napatigin ako sa likod ni Krystal at lalo lang akong namangha sa kanya. That was an awesome control!

Bigla naman siyang lumingon sa amin.

"You can have them," sabay lakad niya pabalik sa amin at nagtinginan kaming apat. Well, that's our leader. Kami ang tagatapos ng nasimulan niya.

"BOO!"

Nakatanggap kami ng malakas na boo mula sa crowd at unti-unti nang nag-iinit ang ulo ko sa kanila. But for the second time ay si Krystal ulit ang unang kumilos at tumingala siya. Her eyes are brilliant blue and they illuminate power. Ramdam na ramdam ko ang presence niya at nakakaoverwhelm 'yun.

"Just wait for your turns, hooligans. You'll be my preys for the next rounds."

Biglang natahimik 'yung ilang nakarinig nun. Tumawa ako nang malakas dahil nasatisfy ako sa reactions nila. Matatapang lang sila dahil wala sila dito sa baba. Tignan ko lang ang tapang nila kapag sila na ang nandito.

"That's our leader!" sabay hampas ko nang malakas sa likod niya at sinamaan niya ako ng tingin pero tinawanan ko lang siya.

"Serves them right! Kanina ko pa gustong ihagis 'tong mga kutsilyo ko sa kanila," sabi naman ni Ash na lumapit sa amin habang 'yung dalawang Nene ay busy sa pagtalo doon sa mga finreeze ni Krystal ang movements.

Pero napatigil kami nung biglang tumilapon 'yung mga lalaki na kinakalaban nina Miles at Kelsey. Buti na lang at nakaatras agad sila at lumapit sila sa amin. Napatingin agad kami doon sa force na pinanggalingan ng attack na 'yun...and I saw that guy.

"So you are the rumored Ice Goddesses, the Amazons of the East. At hindi ko akalaing kasama ka pala, Miss Attribute," sabi nung lalaki at ngumiti siya sa amin habang may papalapit sa kanyang apat na lalaki at isang babae.

'You know him?' rinig kong tanong ni Krystal sa isip ko.

'Not really. Nagkausap lang kami kanina doon sa lobby.'

"Gust, don't tell me you're hitting on her?" tanong nung babae na siguro ay kasing-edad nung dalawang Nene.

"Rae, kilala mo naman 'yan. Basta babaeng may hawak na sword, nagkakandarapa na 'yan," sabi naman  nung isang lalaki na may hawak na malaking ax. As in sobrang laki at hindi ko alam kung paano niya nabubuhat 'yun.

"What do you need from us?" biglang tanong ni Krystal at nagkaroon ng tension sa pagitan namin.

"Wala naman. Sinabi lang sa amin ni Sir Isaz na magkakaroon kami ng allies galing sa East Black at meron silang Ice attributes," sabi nung lalaking nakausap ko kanina. Gust ata ang name niya, ayon doon sa isa.

"Isaz? Sino 'yun?" tanong ni Ash.

"Nakalimutan niyo na ba ang nagtrain sa inyo?"

"You mean...si Gramps ?!" sabay na sigaw nung dalawang Nene.

Bigla namang may sumugod sa amin habang nag-uusap kami pero halos sabay na nagsalita sina Krystal at Gust ng command.

"Ash."

"Squall."

Sabay na sinugod nina Ash at nung lalaking may hawak ng malaking ax 'yung mga sumugod sa amin. Ash threw her knives and he easily defeated two persons. Si Squall naman ay shinove sa sahig 'yung ax niya, causing cracks and tremor, pero ang ikinagulat ko ay 'yung pressure na dala nun. Lahat ng nakapalibot sa kanya ay tumilapon sa kung saan-saan. Buti na lang at tinusok din ni Ash 'yung knives niya sa sahig para may panghold siya doon sa malakas na force na 'yun.

After that ay napatingin ako doon kay Gust at ngumiti ulit siya, as if he finds us interesting.

"We're the Phantom Breeze from the South, and we have Wind attributes. Consider us your ally."

***

Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop FictionWhere stories live. Discover now