Wakas

91.6K 3.6K 2.7K
                                    


WAKAS


"Ma, kailangan ko ng pentel at manila paper," maingat na sabi ko kay Mama isang gabi habang naghuhugas siya ng plato, pagkatapos namin kumain ng gabihan.

Malakas na bumuntonghininga si Mama kaya mas lalo akong kinabahan. "Kevin naman, anong oras na? Bakit ngayon mo lang sinabi? Wala ng bukas na tindahan nyan. Kung kailan alanganin saka magsasabi ang haba ng umaga, Yeomra Kevin."

Napanguso ako nang banggitin na niya ang pangalan ko.

"Ngayon lang kasi naubos, Ma. May ginagawa ako e kulang pala," pagdadahilan ko pa.

Inabutan niya ako ng isang daan. "Oh, mag-bike ka na lang, gumilid ka ha? Palayo sa sasakyan baka 'yong gilid mo palapit sa sasakyan e," pangaral niya pa.

Natatawang lumabas na ako ng bahay para bumili. Saan naman kaya ako bibili? Hindi naman pwedeng bukas 'to, report namin bukas. Last report na, tapos grade six na kami.

Nakakainis maging president ng classroom, 'yong mga kaklase ko akala ata nila binabayaran nila ako.

Napailing ako bago lumiko sa kanto, palabas sa village kung saan kami nakatira, mabuti ay may bukas sa labas. Habang hinihintay kong kumuha ang tindera ay napalingon ako sa bungad ng village nang makita si Papa, kakababa niya lang sa isang kotse.

Akala ko ba may duty siya?

Nang makabili na ako ay tatawagin ko sana si Papa pero nagulat ako nang may kayakapan siya, napamaang ako nang dakmaan ng isang lalaki bribadong parte ni Papa habang nasa madilim silang parte.

"Papa?" tanong ko para makasigurado.

Gulat na nilingon nila ako, si Papa nga at hindi ko kilala pero naka-uniform din katulad ni Papa. Naghiwalay sila kaya mas lalo akong lumapit habang sakay ng bike.

"S-Sige pare, salamat sa paghatid," sabi ni Papa. Bumaba sa akin ang tingin ng lalaki bago sumakay sa kanyang kotse at umalis.

Nagtatakang tumingin ako kay Papa. "Sino 'yon, Pa? Katrabaho mo po? B-Bakit kayo... bakit ka hinawakan sa ano... 'yong ano po." Hindi ko matuloy ang sasabihin ko nang humalakhak si Papa.

Ginulo niya ang buhok ko.

"Kung ano-ano ang nai-imagine mo Kevin, bakla ka ba? Hindi ko gagawin 'yon kung ano-ano kasing napapanuod mo kaya nababakla ka na," magaspang na sabi niya.

Kumunot ang noo ko nang tumalikod na si Papa at naglakad papasok sa village.

Bakla ako?

Lumipas ang taon hanggang mag-high school ako, lagi ko pa rin nakikita si Papa na may kasamang lalaki at lagi niyang sinasabing bakla ako at mapag-isip ng kung ano-ano.

Itinanim ko sa aking isip na gano'n ako, iyon ang sabi ni Papa.

"I'm Yeomra Kevin Rowan, nice to meet you!" Ngumiti ako sa mga bago kong kaklase sa school na pinasukan ko.

Kaagad tumama ang tingin ko sa isang babaeng nakabusangot sa gilid, naka-pony tail niya na sobrang taas.  Kinagat ko ang aking ibabang labi, ang cute niyang tingnan.

Natigilan ako bigla, gusto ko bang maging katulad siya? Gusto ko rin mag-pony tail?

Bakante ang upuan sa tabi niya kaya roon ako umupo, pinaglalaruan niya ang ballpen niya at nagsusulat-sulat habang may sinasabi ang teacher namin sa harapan.

Nang mag-break time ay naglabasan ang ibang kaklase namin. Sa gilid ng aking mata ay nanatili sa upuan niya ang babae, wala ba siyang kaibigan?

Huminga ako nang malalim.

Teach Me Back (Teach Series #3)Where stories live. Discover now