Kabanata 19

66.5K 3.4K 1.6K
                                    


Kabanata 19:

"Sigurado ka ba rito, Lisa? This is your decision, I'll respect you pero hindi ba mas maganda kung ipaalam mo muna sa ama ng anak mo?" mabagal na sabi ni Jude habang nasa loob kami ng abortion clinic.

Hindi pa kami nakakauwi, nang gabi rin iyon ay kaagad akong humanap ng abortion clinic na malapit. Nakapagpalit na rin ng ako ng damit.

Mali ito, mali 'yong nangyari sa amin. Kapag itinuloy ko ay masisira lahat, maayos ang buhay ni Kevin at kapag nalaman niya ay natatakot akong hindi niya matanggap.

Tulala ako habang nakaupo sa hospital bed, inaasikaso na ang gagawin sa akin.

Wala akong maramdaman, blanko lang.

Jude held my hand. "Sure ka na ba? Pwede tayong umalis pa," sabi niya.

Kanina pa siya tanong nang tanong, mas lalo lang sumisikip ang dibdib ko dahil alam kong isa siya sa masasaktan kapag tinuloy ko 'to.

Hindi ako samagot.

"Ready na po kayo, Miss?" sabi ng nurse sa clinic, pinatay ko ang aking phone na kanina pa ilaw nang ilaw.

Tumayo ako at pinapakiramdaman ang sarili, akmang papasok na sa loob nang bumukas ang pintuan sa kwarto na iyon, gulat na napalingon ako kay Terron na hingal na hingal. Malalaki ang kanyang hakbang na lumapit sa akin.

"T-Terron, anong ginagawa mo—hey!" Nanlaki ang aking mata nang walang sali-salita niya akong hinila palabas sa lugar na iyon.

Narinig kong tinawag ako ni Jude pero tuloy-tuloy lang si Terron habang makalabas kami sa clinic, ipinasok niya ako sa kanyang kotse sa likod bago rin siya pumasok.

Paano niya nalaman nandito ako? Ano bang ginagawa niya rito?

Binitawan niya ang braso ko nang parehas kaming makapasok sa kotse, inis na hinarap ko siya kaagad para sawayin sa biglang niyang paghila sa akin pero naunahan niya kaagad ako.

"Bobo ka ba?" seryosong tanong niya, bigla akong nakaramdam ng panliliit sa tanong niya.

Palihim akong napalunok nang pagak siyang tumayo. "Kung hindi ko pa chineck ang location mo ay hindi ko pa malalaman," madiin sabi niya. Naka-konek pa rin sa phone niya ang location ko?

"T-Terron anong ginagawa mo rito?" Pinilit ko buksan ang pintuan ng kotse pero naka-lock iyon.

"Ikaw ang dapat kong tanungin ng bagay na iyan, Lisa. Anong ginagawa mo sa lugar na 'to?" Hinawakan niya ang braso ko upang humarap sa kanya pero nag-iwas tingin ako.

Hindi niya ako naiintindihan, wala siya sa lugar ko. Ayokong lumaki ang bata na 'to, hindi 'to tama.

"H-Hindi mo ako n-naiintindihan," nanginig ang aking boses.

Suminghap siya. "Lisa, mag-isip ka muna. Huwag kang padalos-dalos, matalino ka hindi ba? Anong nangyari sayo? Please lang, walang kasalanan ang bata. Ang dami riyan hindi magka-anak tapos ikaw 'tong binigyan gano'n-gano'n mo lang aalisin? Don't be self-centered!"

Unti-unting tumulo ang luha ko at nilingon siya. "N-Natatakot ako... hindi 'to matatanggap ni Kevin. Si Mama, madi-disappoint ko na naman siya. Sa s-school, anong sasabihin nila? Teacher na walang asawa pero buntis? I'm not self-centered, Terron. I-Iniisip ko sila." Umiling-iling ako habang iniisip lahat ng mga maririnig ko mula sa ibang tao.

Ayoko na no'n.

"S-Si Kevin?" tanong niya nang maisip ang sinabi ko. Hindi ako nakasagot at mas umagos ang aking luha pababa sa aking pisngi.

Napamura si Terron. "Tangina, ano naman? Kung ayaw ni Kevin. Bakit? Si Lisa ka, hindi mo kailangan ng lalaki sa buhay mo, hindi ba? Kaya mo buhayin ang anak mo. Ano bang sinabi ko sa'yo tungkol sa sasabihin ng iba ha? Kahit gumawa ka ng tama o mali ay may sasabihin sila kaya huwag kang gumawa ng desisyon ng dahil sa kanila!" malakas at madiin sabi niya.

Teach Me Back (Teach Series #3)Where stories live. Discover now