Kabanata 31

66.8K 3.8K 1.3K
                                    

Kabanata 31:

Palingon-lingon ako kay Kian habang naglilinis, tahimik na siya sofa habang naglalaro ng learning toys niya. May iba't ibang shapes doon at ipapasok niya sa loob ng box sa saktong butas. Paulit-ulit, hanggang magsawa na siya.

Minsan ay kumukunot pa ang noo niya kapag hindi naipapasok ang heart-shaped sa circle na butas.

Hinilot ko ang aking batok. Nilingon ko naman si Sir Kevin na nasa kusina, talagang sinadya kong malayo kay Kian para kung gumawa man ng ingay ang bata ay hindi niya kaagad maririnig. Binuksan ko pa ang tv.

Para akong nag-aalaga ng dalawang bata. Ang isa maingay, ang isa tulala.

Tulala lang siya roon kahit dumating na ang breakfast niya galing sa room service kanina. Hindi ko alam kung ayaw niya ba akong nandito o ano, hindi naman niya ako pinansin kanina noong nagpakilala ako.

"Kumain ho kayo, hindi ka mabubusog ng titingnan lang iyan," sabi ko.

"H-Hindi ko naman tinitingnan. I can't see it remember?"

Napakamot na lang ako sa aking pisngi dahil sa sagot niya. Lumapit ako sa lamesa, doon ko nakita ang chicken wings niyang ulam.

"Mukhang masarap naman 'to."

"Hindi ko kasi makita."

"Obvious nga ho," mahinang sabi ko. "Ipaghihimay ho kita ng manok Sir Kevin, kumain ka para makalabas tayo mamaya, mas maganda kung maarawan ka, iyon din ang sabi ni Miss Alice, igala raw kita rito." Inagaw ko sa kamay niya tinidor.

Kinagat niya ang ibabang labi. "Drop the ho and Sir. " Bumuga siya ng hangin. "Ganyan ba talaga ang boses mo?" May pagdududa pa sa kanyang boses.

Ako naman ang naguluhan. "Oho—este oo ganito. Bakit?"

Sandali siyang natahimik. "K-Kaboses mo 'yong namatay kong girlfriend," mahinang sabi niya, pinanuod kong basain niya ng dila ang kanyang tuyong labi.

Suminghap ako, iyon ba 'yong Lisa? 'Yong napagkamalan niyang ako noong nasa school kami?

Inabutan ko muna siya ng tubig bago ako magsimulang mag himay ng manok, nilingon ko si Kian na abala sa ginagawa at salubong ang kilay.

"Pwede ko bang malaman kung bakit?" tanong ko pero hindi na siya nagsalita.

Hindi na ako nagtanong pa dahil baka isa iyon sa dahilan kung bakit siya nasa ganitong sitwasyon, binilisan ko na lang ang ginagawa ko para makalayo sa kanya. Ayoko sa pakiramdam na malapit siya.

Nang matapos siyang kumain ay pumasok siya sa kwarto, muntik pa siyang makabasag ng vase nang masipa niya. Ako naman ay tumawag ng maglilinis, para makapaglinis sila habang nasa labas kami.

Nilapitan ko si Kian.

"Ang behave naman ng baby ko," puri ko sa kanya, hinimas ang matambok na pisngi.

Hinawi niya ang kamay ko, ayaw magpahawak. Hinalikan ko siya sa pisngi bago pumasok sa kwarto para sana tulungan siya kung may kailangan pero mukhang nasa banyo na siya.

Inayos ko na lang ang gusot-gusot na sapin ng kama. Ilang minuto pa ang lumipas ay bumukas ang pintuan ng banyo sa aking likuran.

Umawang ang bibig ko para magsalita pero pagharap ko ay naiwan na iyong nakanganga nang makita siyang walang saplot, basa ang katawan at buhok pero may benda pa rin ang mata.

Napakurap-kurap ako, halos lumuwa ang mata.

Hoomaygad!

Napahigpit ang kapit ko sa unan na inaayos ko nang maglakad siya papunta cabinet sa gilid ko lang. Kumapa-kapa siya sa kama para marating iyon kaya todo iwas ako para hindi niya ako matamaan.

Teach Me Back (Teach Series #3)Where stories live. Discover now