Kabanata 8

69.7K 3.5K 1.6K
                                    


Kabanata 8:

The days turn into weeks. The weeks turn into months. The months become a year. They said third year college is the most stressful, I'm actually excited.

I pouted my lips when I saw Daryl and Sascha, talking. Daryl is our a transferee student. Mabait naman siya, medyo tahimik lang at laging tulog.

Daryl saw me staring at them, the corner of his lips turned up. Like he caught me in a crime. I raised my left brow to him. Hindi ako nag-iwas tingin sa kanya, sa huli'y umiling siya saka ibinigay ang buong atensyon kay Sascha. Ano kayang iniisip ng lalaking 'to? Akala siguro niya crush ko siya.

Duh. Ang dami ko ng crush, hindi na siya kasya sa listahan ko kaya ipapaubaya ko na siya sa iba.

I chuckled because of that thought. I turned to Alice and Kevin, they are watching some anime.

Dumungaw na lang ako sa kanila dahil ako na lang ang hindi abala sa kanila habang nasa bench kami.

"Nagugutom na ako," bulong ko saka malakas na bumuntonghininga.

Kasalukuyan kaming walang subject, alas-dos pa lang at mamaya pang ala-singko ang last subject namin. Pakiramdam ko ay mamatay na ako sa gutom, paniguradong malalaki ang bulate ko.

Doon ko napansin na hindi pala nuod, nagbabasa pala sila. Suminghap ako nang makitang naggo-glow ang hawak ng isang lalaki.

"Ano 'yon? Bakit umiilaw?" takang tanong ko saka mas sumilip sa phone ni Alice.

Mukhang natatabunan ko ang screen kaya tinulak ni Kevin paatras ang noo ko.

"Etits 'yan sis, wala ka no'n." He chuckled.

"Eh bakit naka-ganyan?" takang tanong ko, parang ang weird lang tingnan ng drawing. Naiisip kong may kapangyarihan ang mahabang bagay na 'yon dahil sa pa-glow effect ng drawing.

Alice turned to me like I said something stupid. She fixed her eyeglasses.

Inismidan ko sila saka tumayo na lang, nanlalata ako habang nakaupo lang. Maghu-hunting na lang ako ng mga pwedeng ilista sa crush list ko.

Sinenyasan ko sila na aalis muna ako.

Hindi pa ako nakaka-sampong hakbang ay may kumapit na sa braso ko.

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Kevin, malawak ng ngisi sa labi.

Napailing ako sa kanya, sobrang hyper.

"Nadiligan ka ba?" tanong ko habang naglalakad kami, nginingitian ko ang mga nakakasulubong namin na kakilala ko.

"Tag-tuyo't tayo, beb. Walang hardinero ang nais magdilig e." Natawa kaming pareho sa salitang ginamit niya.

"Ikaw lang El ñino, baks. Bagong fertilize ako." Siniko ko siya nang may makasalubong kaming grupo ng mga engineer student.

Kinindatan ko ang isa, okay. One point.

"Scam ulul, virgin ka oy."

"Paano mo nasabi?" Tinaasan ko siya ng kilay, ang lakas pa naman ng bunganga niya.

Lumiko kami papunta sa canteen. Mabuti na lang at naiwan ko ang wallet ko sa bag, papa-libre na lang ako sa kanya.

"Duh, girl. Ako kasama mo hindi ka pa nireregla, bahay at school ka lang. Alam ko kapag may kalokohan kang ginagawa. Huwag ako oy," he said.

Inismiran ko siya.

Nang makarating kami sa canteen ay kaagad akong humanap ng table namin, sumimangot siya dahil alam na niyang wala akong dalang kahit ano. Nang makabalik siya ay may dala na siyang dalawang C2 at kwek-kwek.

Teach Me Back (Teach Series #3)Where stories live. Discover now