Kabanata 28

67.1K 3.4K 3.6K
                                    


THE END

Thank you for reading TMBcharot lang, sige enjoy reading! :P






Kabanata 28:

Katulad ng sinabi ni Rosa ay dinaanan niya ako, nagulat pa siya nang makitang kasama kong nag-aabang si Jaren sa labas ng bahay, nakaupo sa isang mahabang upuang kahoy na ginawa niya noon una kaming tumira rito.

Ngingisi-ngisi tuloy siyang lumapit nang alalayan akong tumayo ni Jaren at ayusin ang takip sa aking ulo.

"Aysus, hindi mapaghiwalay ah, takot na takot, Engineer? Kahit isang oras ayaw iwan?" pang-asar niya kay Jaren.

Natawa ang aking asawa sa sinabi niya bago umiling, walang balak sagutin ang sagot ni Rosa. Kumapit na si Rosa sa braso ko at naglakad na kami papunta sa sakayan sa labas. Si Jaren ay nasa gilid ko lang din, nagtalo pa kami kanina dahil nagsuot na ako ng jacket ay gusto pa niyang doublehin ko pa, para na akong penguin maglakad sa sobrang kapal.

Sumakay kami sa isang tricycle, kami ni Rosa sa loob habang sa likod si Jaren.

"Tatlo po sa bayan." Narinig kong sabi niya sa likod.

Binayad niya kaming tatlo, tuwang-tuwa naman si Rosa kasi raw libre, dapat daw laging isama si Jaren.

Habang nasa biyahe ay mula sa likod ay kinalabit ako ni Jaren, sinilip ko siya sa bakanteng awang na naghihiwalay sa amin. Matangkad siya kaya bahagya siyang nakayuko roon, mukhang hirap na hirap pa.

"Okay ka lang?" tanong niya, tumango ako. Inabot niya sa akin ang wallet niya kaya nagulat ako. "Oh, ikaw ang maghawak para kapag may gusto kang bilhin."

Nahiya ako pero tinanggap ko na rin. Wala naman kasi akong pera, si Jaren lahat kaya nga naiisip ko na magtrabaho pagkapanganak ko kaso wala naman mag-aalaga sa baby ko.

Nang makarating kami sa mismong bayan ay tama nga si Rosa, ang daming tinda. Buhay na buhay ang paligid, nakapunta na ako rito noon dahil nagpapa-check up ako pero wala masyadong tinda, saka umaga ako nakakapunta, ngayon pa lang ako nakapunta na gabi.

Nang makababa ay kaagad hinawakan ni Jaren ang siko ko, napaigtad ako dahil doon.

Napanguso siya saka nagpigil ng tawa. "Lagi kang nagugulat kapag hinahawakan kita, parang noon lang. Nagalit ka noon una tayong nagkita kasi bigla kitang hinawakan," kwento niya natatawa na talaga.

Napatitig ako sa kanya, gusto ko rin magkomento. Gusto ko maalala ang bagay na iyon pero alam kong wala, kaya ngumiti lang ako.

Maraming sinasabi ni Rosa, may kinukwento siya tungkol sa pageant ata sa susunod na gabi. Gusto raw niyang sumali kaso baka aakyat pa lang siya sa stage ay panalo na siya, nagpaubaya na lang daw siya sa mga iba kasi kawawa naman.

Tumatango-tango na lang ako, kunwari naniniwala.

Sa huli ay kumain kami ng puto bumbong. Pinaghiwa ako ni Jaren, kinagat ko ang aking labi dahil parang pamilyar.

"Pinaghihiwa mo na ako noon no?" tanong ko sa kanya, pinanuod kong tumungga ng salabat si Rosa na libre, ginawa niyang tubig.

"Huh?" tanong ni Jaren, inabot sa akin ang tinidor.

"Ito..." Turo ko sa pagkain namin. "Parang pamilyar... parang may naghihiwa ng pagkain ko dati, noong magkasintahan ba tayo lagi mo siguro itong ginagawa?" komento ko, bahagyang nakakunot ang noo.

Hindi siya kaagad nakasagot pero sa huli ay marahan siyang tumango.

"Parang gano'n na nga, huwag mo na masyadong isipin baka sumakit na naman ang ulo mo hindi mo ma-e-enjoy 'tong gabi," paalala niya.

Teach Me Back (Teach Series #3)Where stories live. Discover now