Kabanata 25

66.9K 3.1K 783
                                    


Kabanata 25:

"NABUNTIS lang iyan ng kaibigan niya, friends with benefits sila. Teacher iyan sa high school, nakakahiya hindi ba? Nagtuturo pa naman siya tapos sarili niya hindi niya maturuan kung anong tama."

"Ang balita e 'yong nakabuntis dyan may long term na kasintahan, sinulot niya ata. Syempre, buka kaagad. Ano pa bang aasahan mo sa mga lalaki edi nagpatukso sa kanya."

"Hay, kaya ayoko na roon pag-aralin ang anak ko. Ganyan pala mga teacher doon."

Bumaba ang tingin ko sa tiyan kong may umbok na, apat na buwan na.

Kumalat na ang balita at kahit anong paliwanag namin sa iba na may relasyon na kami ni Kevin, ay may masasabi pa rin sila.

Kesyo makati, haliparot at kung ano pa.

Hindi ko sila masisisi, nakilala nila kami bilang magkaibigan tapos biglang buntis na. Nakakapagod na rin magpaliwanag.

Hindi ko pinansin ang mga nagchi-chismisan habang naghihintay kay Kevin sa waiting shed, pauwi.

May usapan kaming susunduhin niya ako dahil galing ako kay Mommy, ang totoo ay kahit papaano ay parang bumait si Mommy. Pinapayuhan niya ako tungkol sa pagbubuntis ko, sinasabihan kung anong dapat gawin. Nakapag-usap na sila ni Kevin, sila lang at hindi ako kasama.

Hindi ko alam kung anong naging kinalabasan pero ang sabi ni Kev ay ayos na. Sinabi niya kay Mommy na pagka-panganak ko ay roon kami magpapakasal, iyon ang sinabi ko kay Kevin at sumang-ayon naman siya.

Hindi ko alam pero parang ang bilis, parang isang kurap ay ganito na kami.

I can't help but to over think, pakiramdam ko ay ayaw niya lang masaktan ako kaya niya ito ginagawa.

Itinuon ko ang atensyon ko sa daan habang hinihintay si Kevin, mabuti na lang ay umalis na rin ang dalawa na pinagchi-chismisan ako kanina. Hindi lang naman iyon ang una, madalas na akong makarinig ng mga gano'n kahit sa school. Alam kong pinag-uusapan ako ng mga estudyante at ilang guro.

Pariwarang babae, teacher pa naman, pakarat, nasa loob ang kulo.

Ilan lang iyan pero nilulunok ko lahat, iniisip ko na lang ang baby ko. Ayos lang, nasa akin naman ang baby ko at si Kevin.

Ang importante naman ay sila, wala na ata akong pakielam sa sasabihin ng iba hindi katulad ng dati na bawat galaw ko ay natatakot ako.

I want to be strong for my son... yes son. Hindi pa namin alam pero feeling ko lalaki, malakas ang kutob ko.

Ang daming nagbago, totoo pala 'yong kasabihan na makikita mo kung sino ang totoo mong kaibigan kapag nagkagipitan na?

Karaniwan sa mga high school friends at ilang mutual friends namin ni Jude ay bigla na lang akong iniwasan.

Iniisip nilang inagaw ko si Kevin kay Jude, na ginamit ko ang pagiging babae ko.

Gusto ko sanang tawagan si Nade pero umuwi na rin si Nade sa probinsya nila, hindi ko alam kung bakit. Si Sascha naman ay kaka-engaged lang kay Sir Travis ulit, ayoko naman silang guluhin. Si Terron, masyado rin magulo ang buhay ng isang 'yon.

Niyakap ko ang aking sarili ng bumuhos na ang ulan.

Nagpadala ulit ako ng mensahe kay Kev pero wala na naman siyang reply.

Mas lumakas ang ulan, naiiyak na ako dahil madilim na. Sana pala ay namasahe na lang ako, kung kailan gabi na at wala ng dumadaan. Dapat sinabi na lang niyang hindi niya ako masusundo.

Lagi na lang.

Pinunasan ko ang luha ko, saka napaangat ang tingin nang may bumusina.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o mas lalong maiiyak nang makita si Kevin. Lumabas siya sa kotse na may dalang payong, magulo ang buhok niya at halatang nagmamadali.

Teach Me Back (Teach Series #3)Where stories live. Discover now