Kabanata 17

69.7K 4K 2K
                                    


Kabanata 17:

Kumakain kami habang naglalaro, kagaya ng sinabi ni Kevin ay nag-truth or dare kami. Hindi ko alam ang itatanong, ano pa bang hindi ko alam tungkol sa kanya? Halos sabay kaming tumanda, bawat dulo ng daliri niya ay alam ko at hindi ko makakalimutan.

Kevin asked a question. "When was the last time you cried?" tanong niya habang pinapaikot ang baso niya na may laman ice tea.

Uminom muna ako. Alam na alam ko kung kailan, noong kinaumagahan na may nangyari sa amin, halos ubusin ko lahat ng luha na mailalabas ko sa sobrang kagagahan ko.

Nakakahiya na nakakainis dahil kaibigan ko siya at hindi basta-basta ang bagay na iyon sa akin.

Tumikhim ako. "Noong nagbreak kami ni Terron." I lied, umiyak ako noon pero hindi iyon ang huli.

Napatango siya bago sumubo ng fries. "Bakit kayo naghiwalay? I mean, you looked happy and in love. Masaya kayo tapos biglang isang araw hiwalay na, hindi naman siguro siya nambabae?" puna niya.

Marahas akong umiling, iyon ang bagay na hindi magagawa ni Terron.

Doon ko naisip na hindi pala namin napag-usapan ni Kevin noon ang tungkol sa bagay na iyon. Hindi siya nagtanong kaya hindi rin ako nagsabi, basta ang sinabi ko lang na naghiwalay na kami.

Itinuon ko ang atensyon ko sa dagat, bilog na bilog ang buwan kaya maliwanag sa labas. Tumatama ang liwanag nito sa dagat.

"Mahirap ipaliwanag e, minahal ko si Terron hindi lang siguro sapat. May kulang e," sabi ko saka nagkibit-balikat.

Ako naman ang nag-isip ng tanong dahil puro truth muna kami. "Ikaw... wala ka na bang planong balikan si Jude? I mean almost eight years kayo. Ang tagal no'n Kev. Ang tagal niyang naging parte sa buhay mo," pahina nang pahinang sabi ko.

Hindi ko alam kung naging mapait ang tunog no'n, bigla ko lang naisip na bukod sa akin ay si Jude ang isa pa niyang nakilala na malaki ang parte sa kanya.

Nang lingunin ko siya ay tumigil na siya sa pagkain, sa dagat na rin nakatingin.

"It was a toxic love. Nakakasakal. Ang totoo, hindi ako deserve ni Jude kasi umpisa pa lang mali na 'yong simula namin. Ginamit ko siya, may mga bagay na habang tumatagal ay hinihiling niya na hindi ko maibigay. Well, maybe that's why he cheated. I don't know, actually pagod na lang siguro ako, pagod kaming pareho. Aanhin pa 'yong tagal ng pinagsamahan kung naglolokohan na lang kami," ramdam ko ang lungkot sa kanyang boses.

Tipid akong ngumiti nang magtama ang aming mata. "Nakakatawang isipin beb, noong college tayo problema natin about grades at bahay lang. Ngayon trabaho at personal na, nakakapagod pa lang maging adult," biro ko.

He chuckled. "Hmm, my turn?" tanong niya nang maalala ang laro, sandali siyang nag-isip. "Paano kung lalaki ako?"

Natigilan ako sa tanong niya, hilaw na tumawa ako. "Lalaki ka naman, pusong mamon lang."

He gave a half-smile.

"Saka kahit lalaki o gay ka, kahit ano ka pa naman bestfriend pa rin naman kita wala naman magbabago ro'n," dagdag ko.

Sumubo ulit ako ng manok, hindi naman ako palakain at lagi nga niya akong pinapagalitan pero ang sarap talaga nito. Saan ba niya 'to binili?

Nang lingunin ko siya ay naabutan ko siyang pinapanuod akong kumain, baka nagsisisi na siya sa libre niya. "Pumayat ka noong naging kayo ni Terron, hindi ka hiyang sa kanya," komento niya.

Natawa ako. "Sira, masyadong stress noon kaya hindi talaga ako madalas nakakain saka payat naman talaga ako noon pa. Lahit namin, kahit kumain pa ako ay sagad na 'to."

Teach Me Back (Teach Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon