Kabanata 18

69.1K 3.3K 1.6K
                                    


Kabanata 18:

"Oh, kumot." Inabutan ako ni Kevin ng kumot, pagkatapos nang nangyari sa dagat ay mabilis na kaming umahon, ako ang naunang magbihis.

Niyakap ko sa katawan ko ang kumot saka umayos ng higa, magkaharap kami.

I remember the last time we slept together. A mistake that I can't correct now. Hindi ko alam kung makakatulog ako ngayon gabi, hindi ko naman alam na ganito pala ang pupuntaham namin.

Pumikit ako, ramdam kong nakatingin pa rin siya sa akin kaya dumilat ako.

"Maganda ka pala," he whispered, his eyes gleamed.

Natigilan ako at pinagalitan ko pa ang sarili ko dahil sa kilig na naramdaman pero sa huli ay natawa na lang. "Aray ha? Ngayon mo lang nalaman? Grabe ka naman," I joked.

Sandali kaming natahimik, naging mabagal ang aking paghinga dahil natatakot marinig niya ang lakas ng kabog ng aking puso.

Naiilang ako sa kanya. Bakit parang naging mainit ang kotse?

"Kumusta pala kayo Papa mo?" biglang natanong niya, tumihaya ako at napatitig sa bubong.

"Ayos naman, hindi kami masiyado nakakapag-usap. Text minsan. I don't know, nasanay na lang siguro ako." Dati ay close kami ni Papa, hindi ko alam kung dahil sa trabaho niya ay parang lumayo siya.

Pero kung pamimiliin ako, si Papa pa rin ang pipiliin ko kaysa kay Mommy. Ewan ko, nasasakal ako kapag si Mommy ang kasama ko kaya siguro mas pinush ko 'yong bahay namin ni Kevin, kahit nagka-utang-utang kami.

"Hmm, may sama ka ba ng loob sa mga magulang mo, beb?" mahinang sabi niya, kumunot ang noo ko at nilingon siya.

"Hindi ko masabing sama ng loob, hindi lang siguro ako gano'n kalapit sa kanila alam mo naman 'yon. Hindi kami tulad ng ibang pamilya na super close... katulad niyo." Kevin nodded.

Ang totoo ay naiinggit ako sa pamilya nila, kaunti lang sila. Silang tatlo lang ng magulang siya pero super supportive ng parents niya, saksi ako roon.

Malakas na bumuntonghininga si Kevin. "Mukha lang perpekto ang pamilya ko pero hindi..." he paused. "Sana kapag ako nagkapamilya, sana kahit gaano kahirap ang buhay namin sana hindi kami mag-iwanan ng magiging asawa ko," mahinang sabi niya habang nakatingin sa akin.

Hindi ko alam bakit naiiyak ako, nakaka-touch 'yong sinasabi niya at ramdam ko iyon dahil gusto ko rin iyon. Iyon din ang hinihiling ko, na sana kapag kinasal ako, sana sa tamang tao na.

"Sana ako rin no," sabi ko.

"Naaalala mo pa 'yong sinabi natin dati? Kapag wala tayong nakatuluyan at lumagpas na tayo sa kalendaryo ay tayo na lang," he chuckled.

Napanguso ako, noon ay wala lang iyon sa akin pero ngayon na parang bumabalik lahat ay naisip kong pwede kaya? Kaya ba namin iyon? Sa iba siguro ang weird kasi bestfriend, pero sa akin pakiramdam ko ay mas ayos iyon dahil mas kakilala ko siya higit kung kanino man.

"Keri ba 'yon? I mean... hindi ba weird?" mahinang sabi ko, natatakot sa isasagot niya.

"Weird bakit naman? Mas maganda nga iyon. Para bang nagligawan tayo ng halos fifteen years bago ikasal," he reached my hand so I let him.

Palihim akong lumunok, hindi ko alam kung kailan bumalik 'to? O nandyan lang 'tong nararamdaman ko sa kanya at nagbulag-bulagan lang ako kasi nasaktan ako noon.

Hindi ko alam.

Siguro dapat tanungin ko ang iba kong kakilala kung narasana na nila ito, 'yong akala mo wala na pero nandoon pa rin pala, siya pa rin pala.

Teach Me Back (Teach Series #3)Where stories live. Discover now