Kabanata 11

68.5K 3.7K 1K
                                    

Kabanata 11

Nagulat ko nang ilagay ako ni Kevin sa kanyang likuran, bahagya akong sumilip kay Terron na nagulat din sa biglang sulpot ng bestfriend ko.

"Hina-harass ka ba nito, beb? Hoy! Hindi porket gwapo ka attitude ka na ha! Nag-aral ako ng teakwondo." Umasta pa si Kevin na parang attack sa kalaban kaya kaagad ko ng hinawakan ang braso niya.

"Kevin... hoy t-tama na 'yan."

Tumabingi ang ulo ni Terron bago umangat ang sulok ng labi at lumingon sa akin. Mukhang natuwa siya sa inasta ni Kevin.

"I have to go, Miss Lisa. Nice meeting you and you too... Mr. Taekwondo," may bahid ng pang-aasar ang tono niya at makahulugan akong tinitigan bago tumalikod at kumaway pa.

Umamba si Kevin na sisipain si Terron kaya tanggal ang sapatos siyapinanlakihan ko siya ng mata.

Nakakahiya, pinagtitinginan tuloy kami.

"Problema mo?" tanong ko sa kanya.

Eksaherada niya akong inirapan saka nilagpasan. Oh my gosh! Anong problema niya?

***

              Napailing ako nang maalala ang una namin pagkikita ni Terron, hindi talaga naging maganda iyon pero at least napalitan ang foundation ko.

Nang makapasok sa loob ng bahay ay naabutan ko siya sa sala, prenteng nakaupo at inosenteng inililibot pa ang paningin sa mga display namin. Nang makita ako ay tumayo siya at inabot sa akin ang kalamares na nasa transparent plastic kaya natawa ako.

Umalingsaw kagaad ang amoy ng prinitong pusit, mabuti at wala si Mommy, maarte pa naman siya sa mga gano'n klaseng amoy.

"Ikaw 'yong manliligaw na hindi bulaklak ang binibigay kung 'di mga ganito, pagkain." Natatawang komento ko.

Lumawak ang ngiti siya, he was wearing a black sweater and jeans. Looks like, dumaan lang siya para rito.

"Hindi ka naman mabubusog sa bulaklak," aniya saka luminga-linga. "Si Tita, nasaan?"

Inilapag ko ang kalamares sa center table at umayos ng upo, upong lalaki pa naman ako't lalo na't si Ke—oh no, don't go there Lisa. Move on, move on din kapag may time.

Tumikhim ako.

"Nasa kwarto niya, gabi na ah?"

"Hmm, dumaan lang ako. I visited Kuya."

Napatango ako sa sinabi niya. "How's Sir Travis pala? Okay lang siya?" Terron is Sir Travis' brother. That's why he looked familiar to me, para nga lang akong tumitingin sa batang version ni Sir. Nalaman ko lang noon sunod namin pagkikita, ilang buwan na rin ang nakakaraan.

Teach Me Back (Teach Series #3)Where stories live. Discover now