Kabanata 20

71.4K 3.8K 2.1K
                                    

Thank you for reading TMB, I always appreciate you.

Kabanata 20:

Hinilot ko ang aking noo pagka-sent ng text ko kay Papa, kinamusta ko siya at hindi siya nag-reply. Hindi ko pa rin makalimutan ang nakita ko noon galing kamin Porac ni Kevin, para talagang si Papa iyon pero bakit naman siya nandito at saka dapat ay bisitahin man lang niya kami kung nasa Pampanga na pala siya.

Kasalukuyan akong nasa school, nilingon ko si Nade. Isa sa naging kaibigan ko nanfg college, tahimik lang siya, may kausap siya sa telepono habang tumatawa.

Naningkit ang aking mata, I heard her calling that person—her baby. Baby ko, iyon ang narinig ko kanina habang kunwari akong abala sa pagche-check ng papel. I didn't know she has a boyfriend.

Napailing ako saka natawa nang mahina, nagiging chismosa na ako. Parte ba 'to ng pagbubuntis?

Bigla kong naisip kung anong sasabihin nila Mommy kapag sinabi ko na, lalo na ang mga kamag-anak kong lagi akong kinukumpara sa mga ibang kamag-anak namin.

Pero buo na ang desisyon ko, I'll keep my baby.

Kung hindi siya tanggap ng iba, kung husgahan nila ako ay ayos lang. Bahala na, ang importante ay ang baby ko saka ko na lang sila iisipin.

"Good afternoon," bati ni Kevin pagkapasok ng faculty, hindi ko maiwasan pasadahan siya ng tingin.

May kasama siyang dalawang estudyante niyang babae na nagbubuhat ng sampong notebook na pinaghatian pa, animong mabigat iyon.

Kumunot ang aking noo habang pinapanuod sila mula sa gilid ng aking mata. "Sige diyan niyo na lang ilapag, thank you. Lunch na kayo," sabi ni Kev sa mga bata.

"S-Sir baka po gusto niyo sumama sa amin, buong klase po may foodtrip po kami sa bahay nila Joy sa susunod na linggo," aya ng isa kay Kevin.

Tumaas ang kilay ko, huh? Subukan lang niya sumama isusumbong ko siya sa office. Bawal 'yon.

Kevin chuckled. Oh, tuwang-tuwa pa. "I want to but I can't. Bawal e, enjoy na lang kayo."

Gumawa ng ingay ang mga bata na parang nanghinayang bago umalis, napanguso pa ako nang hilahin ni Kevin ang upuan papalapit sa akin. Nilingon ko si Nade nang bigla siyang tumayo at umalis na nag-iiwas tingin sa amin, kami na lang tuloy ang naiwan sa faculty.

I faked my yawn.

"Inaantok ka?" tanong niya.

Pinatalikod niya ang upuan niya sa akin saka siya roon umupo, ipinatong ang mga braso sa sandalan ng upuan na nasa harapan niya.

"Kaya nga sandalan iyan, para sa likod hindi sa baba mo," puna ko.

Tumaas ang sulok ng labi niya, pansin ko ang pagkaputi niya. Noon pa man ay maputi na siya, mas madami pa siyang screen care sa akin. Naalala ko noon may pinapaligo pa siyang parang gatas, basta amoy gatas siya noon tuwing pagkatapos maligo.

"Bakit ba ang sungit mo?" asar niya.

Hindi ko siya sinagot, nagkunwari akong may sinusulat sa class record ko habang nakapatong ang baba niya sa sandalan ng upuan at nakatitig sa akin.

Mukha siyang tanga.

"Ano ba 'yang ginagawa mo, Kevin?" inis na sabi ko saka isinara ang class record at hinarap siya.

He pouted his lips. "Galit kaagad? Buntis ka ba?" He chuckled.

Unti-unti nawala ang inis sa aking mukha sa sinabi niya, tumikhim ako saka nag-abala na lang sa panunuod ng video sa isang app.

Teach Me Back (Teach Series #3)Where stories live. Discover now