Kabanata 34

72.2K 3.4K 1.4K
                                    


Kabanata 34:

"I remember everything now, Jaren. Nagpapasalamat ako sa lahat ng naitulong mo sa akin habang wala akong maalala, nakakatawa lang isipin na kung sino pa 'yong hindi mo kamag-anak ay 'yon pa 'yong mag-aaruga sa'yo." Hindi ko maitago ang pait sa aking tono.

Nagulat si Jaren pero nakabawi rin, malakas siyang napabuntong-hininga saka natawa.

"Mabuti naman at nakakaalala ka na, muntik ko na maisip na tatanda na tayong magkasama." Humalakhak siya na may tono ng pagbibiro.

Napangiti ako habang pinapanuod si Kian na paglaruan ang adam's apple ni Jaren habang nakakandong.

"Hindi ka naman siguro na-in love sa akin no? I mean..." Hindi ko na alam ang isasagot ko, 'yon kaagad ang naisip ko. Ayoko na makasakit pa ng ibang tao, bigla ko tuloy naalala si Terron. Kumusta na kaya siya? Siguro nabalitaan niya rin ang peke kong pagkamatay... sana maayos lang sila ng asawa niya.

Jaren chuckled. "Hindi, parang kapatid lang talaga ang tingin ko sa'yo Lisa. Don't get me wrong, may babaeng naghihintay rin kasi sa pagbabalik ko sa Pampanga."

Tumaas ang dalawang kilay ko, bahagyang umawang ang labi dahil sa sinabi niya. Talaga?

"Iniwan ko siya para tuparin 'yong huling hiling ng kapatid ko, sana maintindihan niya 'yon. Hindi ko lang alam kung may babalikan pa ako," malungkot na sabi niya.

Bumagsak ang aking balikat, hindi ko alam na may kasintahan siya.

"S-Sorry, Jaren..."

Hinimas niya ang ulo ni Kian. "Ayos lang iyon ang mahalaga ay ayos na kayo, mamimiss ko 'tong bulilit na 'to. Kapag bumalik na tayo sa Pampanga lagi ko kayong bibisitahin," sabi niya na parang pinapagaan ang aking loob.

Wala pa sa isip kong bumalik doon pero kung magkataon man ay hindi ko makakalimutan si Jaren.

Tumango ako. "P-Pero hmm bakit ka nagpanggap na asawa ko?" takang tanong ko.

Kaya pala wala akong maramdaman sa kanya kahit ano. Ni hindi nga kami magkaibigan noon.

"Noong nagising ka, wala akong ibang maisip na dahilan. Buntis ka at may kasamang lalaki, kapag ba sinabi kong kakilala lang ay sasama ka sa akin? Titira ka ba kasama ako? Hindi siguro. And also, your mom told me to pretend, kahit gusto kong sabihin sa'yo ang totoo ay pinigilan ko dahil baka makasama raw sa'yo kapag pinilit lalo't muntik na rin mawala ang baby mo dahil sa... kapatid ko," humina ang boses niya.

Suminghap ako saka tumango, unti-unting iniintindi ang sinabi niya pero natigilan din nang maisip ang huling sinabi niya.

"A-Alam ni M-Mommy?"

Marahan siyang tumango, tumaas ang sulok ng labi niya.

"Alam niya... sila ni Jude ang nagdala sa'yo rito. Ako lang ang naiwan pagkagising mo."

Sunod-sunod na tumulo na ang aking luha sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala, hindi ko alam na mangyayari ang ganito sa akin na napapanuod ko lang noon sa mga palabas. I was just a normal high school teacher.

Natigil ako sa pag-iyak nang dahan-dahan bumukas ang pintuan, sumilip ang ulo ni Kevin.

"Pwede na pumasok?" maingat na tanong niya, para siyang batang natatakot pagalitan.

Nagkatinginan kami ni Jaren, tipid siyang ngumiti sa akin bago tumayo.

"Ilalabas ko muna si Kian."

Tumango ako, sinuotan niya nag jacket si Kian bago sila lumabas, nang mawala si Kian at Jaren ay dahan-dahan pumasok si Kevin, maingat siyang naglakad dala ang tungkod niya, tinatama-tama niya iyon sa gilid para makaupo sa sofa.

Teach Me Back (Teach Series #3)Where stories live. Discover now